January 01, 2026

Home FEATURES BALITAnaw

#BALITAnaw: Viral global “zoo personalities” nitong 2025

#BALITAnaw: Viral global “zoo personalities” nitong  2025
Photo courtesy: zooduisburg (IG),tanganyikawildlifepark (IG), Unsplash,Panda Tribe (website),WWF (website)

Napuno rin ba ng cuteness ang social feed n’yo nitong 2025? 

Sa pagbaha ng mga intriga at rebelasyon sa buong taon, naging “break” mula sa bad news at mga kaguluhan ang mga hayop na kahit walang ginagawa sa video ay nakakatuwa pa rin. 

Kaya bilang pagbabalik-tanaw sa taong 2025, narito ang ilan sa “zoo personalities” na nagpakalat ng good vibes at inantabayanan ng online world: 

1. Panya the Pygmy Hippo

BALITAnaw

BALITAnaw: Mga salitang sumabog, pumatok, umusbong sa bibig ng bayan nitong 2025!

Si Panya ay isang three-week old pygmy hippo na ipinanganak sa Duisburg Zoo, Germany, noong Nobyembre 26, 2025

Dahil sa murang edad ni Panya, nakikita ito ng mga bisita na madalas katabi ng ina sa kaniyang bakod, kung saan, madalas itong kumakain ng litsugas. 

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa limang kilo ang bigat ni Panya. 

2. Mars the Pygmy Hippo

Si Mars ay ipinanganak sa Tanganyika Wildlife Park in Goddard, Kansas, USA, noong Hunyo 26, at nakilala sa taglay na kulit, at mariing pagtangi sa pag-alis sa tubig, sa kabila ng maliit nitong sukat. 

Sa kasalukuyan, si Mars ay anim na buwan na, at tinatayang may bigat nang 37 kg. 

Tinagurian din siyang “New Moo Deng” ng ilang international media outlets dahil sa naging lubos na pag-usbong ng videos at mga litrato niya. 

Si Moo Deng ay isa ring viral sensation na pygmy hippo na ipinanganak sa 

Khao Kheow Open Zoo, Thailand, noong Hulyo 10, 2024. 

Nakilala si Moo Deng dahil din sa kaniyang kakulitan at madalas na paghabol sa zoo- keeper nito. 

3. Capybaras

Ang mga capybara ay naging viral sensation dahil bukod sa pagiging cute, mayroon din silang “chill” at kalmadong vibe. 

Para sa netizens, capybara ang simbolo ng “peace in chaos” dahil kadalasan, walang ibang hayop na nananakit at humahabol sa kanila para gawing pagkain. 

Ang mga capybara ay kilala rin bilang “water pigs” dahil nabubuhay ang mga ito sa lupa, at nakakalangoy sa tubig, bukod pa rito, sila ang pinakamalaking pamilya ng rodents sa buong mundo. 

Ang lahi ng mga capybara ay mula sa rehiyon ng South America, ngunit may ilan din na makikita sa ilang parte Japan o sa ilang zoo sa North America. 

Ang capybaras din ay mayroong “friendly personality” sa mga hayop sa paligid nila, at kilala rin silang matalino dahil kaya nilang alagaan ang mga bata sa lahi nila, at madaling matuto ng tricks. 

4. Bao Li at Qing Bao

Sina Bao Li at Qing Bao ay ang kilala 3-year old giant pandas na naninirahan sa Smithsonian's National Zoo, Washington, D.C., na ipinakilala sa publiko noong Enero 2025. 

Ang pangalan ng lalaking panda na si Bao Li ay nangangahulugang “active and vital power” sa Ingles, habang ang babaeng panda naman na si Qing Bao ay nangangahulugang “green” and “treasure.” 

Ayon sa ulat ng Smithsonian's National Zoo and Conservation Biology Institute (NZCBI), nakilala sa zoo keepers si Bao Li bilang mapaglaro, curious, at attention-seeking, habang si Qing Bao naman ay madalas nag-iisa at gusto na tumatambay sa puno. 

Base pa rito, ayon sa kasunduan ng zoo sa China Wildlife Conservation Association (CWCA), sina Bao Li at Qing Bao ay mananatili sa US hanggang Abril 2034. 

5. Irrawaddy Dolphins

Ang Irrawaddy dolphins ay kilalang matatalino at social mammals na madalas lumalangoy sa tabi ng mga bangka ng ilang mangingisda. 

Ayon sa pag-aaral ng National Geographic, tumutulong ang dolphins na ito para magtulak ng mga isda sa net ng mga mangingisda, at tinutulungan naman ang ilang isda na na-trap sa gilid ng net o sa putik bilang pagkain nila. 

Base pa sa nasabing pag-aaral, bukod sa cute nitong mga mukha at paglangoy, ang Irrawaddy dolphins ay mayroon ding “playful personality” sa mga sinasamahan nitong mangingisda. 

Ang tahanan ng mga ito ay nasa mga ilog ng Southeast Asia region, partikular sa Myanmar. 

Bagama’t nakabilang sa listahan ng Critically Endangered ng International Union for Conservation of Nature (IUCN), nakakatulong ang dolphins sa ecotourism ng bansa, dahil na rin sa mga alamat tulad ng mga batang nagiging dolphin matapos kumain ng isang kakaibang kanin. 

Photo courtesy: Roland Seitre / WWF

Sa Pilipinas, nag-viral din ang pag-rescue ng ilang fur parents sa kanilang mga alagang aso at pusa. 

Ilan dito ay ang mga residente ng Poblacion, Talisay City, Cebu na tiniyak na kasama nila sa paglikas ang kanilang fur babies sa kasagsagan ng bagyong Tino noong Nobyembre. 

MAKI-BALITA: #BalitaExclusives: Cebuano fur parents, tiniyak na kasama fur babies sa paglikas

Isa pa ay ang fur parent na si Ivy Baya mula sa Brgy. Guizo, Mandaue City, Cebu, na inunang ilabas ang kaniyang fur babies para mailigtas mula sa sunog. 

MAKI-BALITA: Babae, matapang na inilikas mga alagang hayop, sarili sa gitna ng sunog!

KAUGNAY NA BALITA: Fur mom na nagligtas sa fur babies niya sa sunog, pinarangalan ng Mandaue LGU

Sean Antonio/BALITA