Hinikayat ni Lipa Archbishop at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Gilbert Garcera ang bawat pamilyang Pinoy na ibaba ang cellphones at gadgets nila at makipag-usap sa isa’t isa tuwing nakaupo sa hapag-kainan.
Saad ni Garcera sa kaniyang homily noong Linggo, Disyembre 28, isa sa mga kinahaharap na problema ng maraming pamilya sa kasalukuyang panahon ay ang nawawalang komunikasyon dahil busy ang bawat isa sa gadgets at apps nila.
“During mealtime, it has become normal for them to be busy with other things. They would take pictures of their food, send [to their social media accounts] [to get] ‘likes.’ But they do not eat it, the food cooked by their mother,” ani Garcera.
Kasama rin daw sa distraction ang panonood ng basketball games sa telebisyon, habang ang ilang kabataan ay busy sa paglalaro ng computer games, pag-send ng text messages, o kaya’y pakikinig ng mga tugtog sa digital audio streaming apps nila.
Bukod pa rito, binanggit din ni Garcera na isa pa sa mga nakikita niyang balakid sa mga pamilya ay ang pagnanais ng mga ito bigyan ng “equal treatment” ang mga alagang hayop at ituring itong miyembro ng pamilya.
Dahil ayon sa kaniya, hindi katulad ng mga tao, ang mga hayop ay walang kaluluwa.
Sean Antonio/BALITA