Maisasalin sa kauna-unahang pagkakataon sa wikang Arabic ang klasikong nobela ni Dr. Jose Rizal na “Noli Me Tangere.”
Sa latest Facebook post ng Philippine Embassy in Iraq nitong Lunes, Disyembre 29, inanunsiyo nila ang pagsasalin ng nasabing nobela mula sa orihinal nitong teksto sa Espanyol patungong Modern Arabic.
“As a prolific writer, Dr. Rizal has several published works. But none are more important or influential than his two novels, Noli Me Tangere and El Filibusterismo,” saad ng embahada.
Dagdag pa nila, “That is why the Philippine Embassy in Iraq is honored to announce the first-ever translation of the Noli Me Tangere from its original 19th-century literary Spanish to Modern Arabic.”
Ito ay bahagi ng paggunita sa diplomatikong relasyon ng Iraq at Pilipinas sa loob ng 50 taon.
Naisakatuparan ang pagsasalin sa nobela dahil kay Dr. Reyadh Mahdi Jasim Al-Najjar ng University of Baghdad sa tulong ng Philippine Embassy in Iraq, Department of Foreign Affairs’ Office of Cultural Diplomacy, at National Historical Commission of the Philippines (NHCP).
Inaasahang maging availabe ang kopya nito pagpasok ng 2026.
Matatandaang unang inilathala ang “Noli Me Tangere” noong 1887. Tinangkang ilarawan dito ni Rizal ang kondisyon ng kaniyang panahon sa ilalim ng mga Kastilang mananakop.