January 06, 2026

Home BALITA National

Napikon ba? Anak ni Romeo Acop, may sagot sa mga nangutya sa pagkamatay ng ama

Napikon ba? Anak ni Romeo Acop, may sagot sa mga nangutya sa pagkamatay ng ama
Photo courtesy: Screenshot from HOR (FB)/via MB

May mensahe ang panganay na anak ng pumanaw na si Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop sa mga taong nanlibak at nangutya sa pagkamatay ng kaniyang ama, lalo na sa social media, sa naganap na pamamaalam at pagpupugay ng House of Representatives sa kanilang kasamahan, nitong Lunes, Disyembre 29.

Sa binasang mensahe ni Dr. Philip Acop bilang tugon sa tribute ng HOR, nagpasalamat siya sa lahat ng mga miyembro at staff ng Kamara sa isinagawa nilang pagbibigay-pugay para sa namayapang ama.

Binalikan ni Dr. Philip ang mga panahong tumakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Antipolo ang kaniyang ama, kahit na walang tiket o partidong kinabibilangan; na ang tanging bitbit lang daw ay hangaring makatulong sa kaniyang mga kababayan.

Pinasalamatan din niya ang mga taga-ikalawang distrito ng Antipolo dahil sa patuloy nilang pagtitiwala, pagsuporta, at pagmahal sa kanilang pamilya.

National

'Flood control projects budget sa 2026, mas 'specific' sa foreign assisted projects!'—DBM Sec. Toledo

"Salamat po sa inyong pag-ampon sa amin bilang bahagi ng inyong pamilya," aniya.

Sumunod naman, nagbigay siya ng mensahe para sa mga taong ginawang katatawanan ang pagkamatay ng ama.

"To those who continue to ridicule our father, even in his death, we thank you—for galvanizing within us a resolve to continue what both our parents embodied: a no-nonsense love for our country and our people," aniya.

"Amidst your laughter in the face of a family losing a loved one, we will simply choose to serve our fellow Antipoleños, for that is the life we were nurtured to embody, that is how we were raised," aniya pa.

Ipinangako naman ni Dr. Philip na ipagpapatuloy nilang pamilya ang mga nasimulan ng kanilang mga magulang pagdating sa serbisyo publiko.

Sumakabilang-buhay si Acop matapos umanong matagpuang walang malay sa kaniyang silid, at saka isinugod sa Assumption Hospital, Sabado ng gabi, Disyembre 20, kung saan siya idineklarang patay na, dahil sa atake sa puso.

Kaugnay na Balita: Romeo Acop, pumanaw na; natagpuang walang malay sa kuwarto

Inirerekomendang balita