Nagbigay ng reaksiyon ang ama ng nawalang bride na si Sheera De Juan matapos siyang matagpuan ng mga awtoridad sa Ilocos Region.
Sa panayam ng ABS-CBN News nitong Lunes, Disyembre 29, sinabi ni Jose De Juan, ama ni Sheera, na parang nabunutan umano siya ng tinik matapos ang higit dalawang linggong paghahanap.
“Sa totoo lang po parang nabunutan po ako ng tinik. Sobrang saya po. Hindi po maipaliwanag,” saad ni Jose.
Dagdag pa niya, “Sabi niya, 'Sorry, sorry talaga.' Sabi ko sa kaniya, 'Anak, wag kang mag-sorry. Ang mahalaga nakita at nakabalik ka dito."
Samantala, emosyunal naman ang ina ni Sheera na si Tita De Juan nang kapanayamin siya ng media.
Aniya, “Talagang marunong ang Panginoon talaga. Walang imposible na talagang tayo’y tumawag sasagutin niya talaga.”
Matatandaang noong Disyembre 14 pa sana ang nakatakdang kasal ni Sheera sa fiancé niyang Mark Arjay Reyes. Ngunit sa kasamaang-palad, bigla siyang naglaho ang huli na parang bula.
Maki-Balita: #BalitaExclusives: Babaeng ikakasal na sana, ilang araw nang nawawala; fiancé, umapela ng tulong