Tila new transformation ni TV at social media personality Awra Briguela ang bumalanda sa social media.
Sa latest Instagram post ni Awra noong Linggo, Disyembre 28, makikita ang serye ng mga picture kung saan kapansin-pansin ang manipis na braso niya.
"[N]o matter who I was… I choose who I’m becoming. " saad sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"GODDESSAAAAA"
"God bless you, Awra! More blessings to come, and good luck sa journey mo in transitioning."
"good choice na awra yung screen name mo kasi ang ganda ng aura mo lately yoohooo"
"Super nipis ma"
"SHE'S DARLING DOOLLLLL"
"Nipitch babae! "
"nipis mowmmm"
"nagiging barbie arms na sya"
"Barbie doll na sya "