Pumutok ang naglalakihang mga isyu sa Pilipinas ngayong 2025. Mula sa katiwalian, malawakang mga kilos-protesta, aksyon matapos ang mga sakuna, at maging ang flood control scandal.
Sa gitna ng tila mala-teleseryeng mga kaganapang ito, umalingawngaw at naging mas matunog ang pangalan ng ilang mga political personalities sa bansa.
1. Kiko Barzaga
Si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ay isa sa mga naging matunog na politiko ngayong 2025.
Pinag-usapan ang madalas niyang pagbanat at mga patutsada kontra sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Noong nanalasa ang Bagyong Tino sa Kabisayaan, partikular na sa lalawigan ng Cebu, sinabi niya sa isang pahayag na wala na raw umanong “pag-asa” sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Panawagan niya tuloy, magkaroon daw ng “secession” ang Visayas, at magtayo na rin ng sariling gobyerno ang Mindanao.
“There is no more hope for the Marcos administration. Our President steals and parties while our citizens suffer and drown. Which is why, alongside with Mindanao, I will call upon the people of Cebu and the rest of Visayas to join our calls for secession,” saad ni Barzaga.
“Instead [of having] your taxes and natural resources exploited by the elites of the National Capital Region, let us instead create an independent government that truly acts in the service of the people,” dagdag pa niya.
MAKI-BALITA: 'There's no hope in Marcos Admin!' Kiko Barzaga, nanawagang magtayo ng independent gov't sa VisMin
Matatandaang kamakailan lang din ay sinuspinde si Barzaga sa loob ng 60 araw nang walang suweldo, ayon sa rekomendasyon ng House ethics committee.
"His actions reflected negatively upon the dignity, integrity, and reputation of the House of Representatives as an institution of the members of the House individually and collectively,” saad ni 4Ps Rep. JC Abalos, sa binasa niyang desisyon sa plenaryo, na may 27 bilang ng pahina.
MAKI-BALITA: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo
2. Mark Leviste
Lumikha ng ingay ang dating Batangas Vice Governor na si Mark Leviste matapos niyang simulan ang 2025 nang may pasabog.
Noon kasing buwan ng Enero, napaulat na sinagot na si Leviste ng kaniyang nililigawang Kapuso Sparkle artist na si Aira Lopez, base sa ibinahaging social media post ni Aira hinggil dito.
MAKI-BALITA: Mark Leviste, napasagot na si Aira Lopez!
Hindi rin nagtimpi ang jowa ni Leviste at pinalagan nito ang mga netizen na inookray ang kanilang relasyon.
MAKI-BALITA: Aira Lopez pinalagan netizen na nagsabing magtatay sila ni Mark Leviste
Matatandaang namagitan din ang politiko kay “Queen of All Media” na si Kris Aquino, ngunit pinili na lamang ng dalawa na isapribado ang kanilang relasyon.
MAKI-BALITA: Kris Aquino sa relasyon nila ni Mark Leviste: 'We are proof that love comes when you least expect it'
3. Vince Dizon
Isa na yata si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon sa mga kalihim ng ahensya na laman ng araw-araw na TV broadcast at isyu ng mga pahayagan.
Nanilbihan muna si Sec. Vince Dizon bilang Department of Transportation (DOTr) secretary, matapos i-appoint ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
KAUGNAY NA BALITA: Dizon, pinabulaanang babalik sa DOTr-Balita
Nang pumutok ang isyu ng flood control scandal ng DPWH, at sinabayan ito ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan ng isang resignation, itinalaga si Dizon bilang bagong kalihim ng ahensya.
“To lead the DPWH through this critical transition, the President has appointed Transportation Secretary Vince Dizon as the new Secretary of DPWH,” ayon sa ulat ng Malacañang.
MAKI-BALITA: KILALANIN: Si dating DOTr Sec. Vince Dizon, bagong kalihim ng DPWH-Balita
Matapos na maitalaga, sinimulan ni Dizon na pamunuan ang Public Works, at kinarga ang responsibilidad na makibahagi sa imbestigasyon hinggil sa malawakang korapsyon na lumalaganap sa ahensya.
KAUGNAY NA BALITA: Dizon, prayoridad pagrepaso ng DPWH budget-Balita
4. Nicolas Torre III
Naging matunog din ang pangalan ni dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager na si General Nicolas Torre III sa taong 2025.
Matatandaang noong buwan ng Hulyo, kinagat niya ang hamon ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa isang sapakan, na naunsiyami naman matapos hindi sumipot ang huli.
‘Di man natuloy ang sapakan, umabot naman sa ₱15 milyon ang kinita ng naturang charity event.
MAKI-BALITA: Naunsyaming tapatang Duterte-Torre, pumaldo ng tinatayang ₱15M-Balita
Hindi rin nagpahuli at bumoses din ang datng PNP chief hinggil sa isyu ng malawakang korapsyon at katiwalian sa bansa.
“Galit na ang tao sa korupsiyon. Sawang sawa na tin tayo sa panlilinlang. Bukas, sa mga rally, ipakita natin ang lakas ng taumbayan—at gawin natin ito nang maingat, responsable, at mapayapa,” saad ni Torre.
Dagdag pa niya, “Ating tandaan, ang tunay na pagbabago ay hindi nagmumula sa karahasan, kundi sa pagkakaisa. Ako po si Gen. Nicolas Torre III, kasama n’yo laban sa korupsiyon at pang-aapi.”
MAKI-BALITA: ‘Ipakita natin ang lakas ng taumbayan!’ Torre kasama sa laban kontra korupsiyon, pang-aapi-Balita
Ang pinakabagong balita kay Torre ay ang kaniyang banat at hirit kaugnay sa aktor na si Piolo Pascual.
“Bilang dating pulis, malapit sa puso ko ang 'Manila's Finest.’ Lamang man ng mga ilang paligo si Kuya Piolo, hindi man ako kasing-tikas nila at ng iba pang mga bida, pero katulad nila, ramdam ko ang mga pagsubok at challenges na kanilang hinarap. Maraming salamat sa pagbigay-buhay sa istorya ng pulis,” saad ni Torre sa kaniyang talumpati sa ginanap na Gabi ng Parangal 2025 Metro Manila Film Festiva (MMFF) noong Sabado, Disyembre 27.
MAKI-BALITA: Piolo, lamang lang ng konting paligo kay Torre-Balita
5. Terry Ridon
Usap-usapan ngayon ang umano’y insertions sa DPWH at iniwang dokumento ng namayapang si ex-DPWH Usec. Catalina Cabral, na sisiwalat umano sa mga katanungang may kinalaman sa isyu ng flood control projects at korapsyon sa ahensya.
Hinggil dito, nakakaladkad ang pangalan ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, matapos siyang banggitin ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste patungkol sa naturang dokumento.
Buwelta naman niya, kababalik niya lang sa Kongreso, kung kaya’t paano raw siya magkakaroon ng insertions.
“Kabababalik lang natin sa Kongreso ngayong taon, 30 June 2025, sa ilalim ng 20th Congress. Kaya paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025 budget kung hindi pa ako congressman noong binuo ang budget na ito noong 2024, sa ilalim ng 19th Congress?” saad ni Ridon.
Dagdag pa niya, “Kaysa lituhin niya pa ang publiko, mas magandang llabas nalang ni Batangas Rep. Leandro Leviste ang buo at hindi pa-konti-konting 2025 DPWH project listing with proponents na sinasabi niyang kasama ang mga sumusunod: a. Congressmen, b. Senators, c. Executive officials, ‘including Secretaries and Undersecretaries outside DPWH,’ d. Private individuals.”
MAKI-BALITA: ‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH-Balita
Kinukuwestiyon ngayon ni Ridon si Leviste kung bakit ngayon ay ayaw niyang ilabas ang naturang dokumento.
“My question to him is, it has been several months since these supposed documents had been provided to him, why has he not disclosed it up until today, hindi ba?” tanong ni Ridon.
Dagdag pa niya, “Kasi binabanggit niya in the last couple of days, e, na mayroon pong binigay na dokumento. Where is that list? And if that list is actually relevant to the flood control controversy, that list should have been disclosed in the soonest time.”
KAUGNAY NA BALITA: 'Bakit ngayon lang?' Rep. Ridon, kinuwestiyon listahan ng insertions ni Rep. Leviste-Balita
Matatandaang nakagirian niya rin si Sen. Jinggoy Estrada, at kinatuwaan din ang kaniyang sagot hinggil sa ₱500 Noche Buena.
MAKI-BALITA: Cong. Ridon, Sen. Jinggoy, move-on na sa girian nila sa social media?-Balita
MAKI-BALITA: Rep. Ridon sa ₱500 pang-Noche Buena ng DTI: 'Sa anong planeta kasya yan?'-Balita
6. Rep. Leandro Leviste
Umalingawngaw din ngayong taon ang pangalan ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Nagsimula ito noong isiniwalat niya na siya ay sinuhulan umano ng isang DPWH district engineer ng halagang aabot sa ₱3,126,900 milyon.
"We should not tolerate any corruption in DPWH. We should demand projects at better quality and lower cost, and obligate contractors to correct any deficiencies immediately without additional cost to the government. Beyond this case, we will push for broader reforms to address systemic problems of DPWH," ani Leviste.
MAKI-BALITA: District engineer ng DPWH na nagtangkang manuhol sa Batangas solon, timbog!-Balita
Matapos nito, naging usap-usapan din ang inilabas niyang mga dokumento na nanggaling umano kay ex-DPWH Usec. Catalina Cabral.
Binilinan niya pa nga ang kaniyang ina na si Sen. Loren Legarda noong Pasko, na kung may mangyari man daw sa kaniya, isapubliko nito ang mga dokumento at tapusin ang pagbabahagi ng mga impormasyong makakatulong sa imbestigasyon.
“Kahit na Pasko, napag-usapan pa rin namin ang trabaho. Pinaalala ko sa aking ina ang aking bilin sa iba’t ibang mga tao: kung may mangyari sa akin, isapubliko ang lahat ng files na iniwan ko at tapusin ang ating sinimulang pagbabahagi ng impormasyon,” saad ni Leviste.
MAKI-BALITA: 'Pag may nangyari sa'kin, release all the files!' Rep. Leviste, binilinan si Sen. Loren ngayong Pasko-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA