Pinutakti man ng kabi-kabilang isyu ang bansa sa mga nagdaang buwan, hindi napigilan ng ilang personalidad na ihayag sa buong mundo ang kanilang pagmamahalan.
Narito ang ilang magjowang piniling isapormal at ipagsigawan ang romantikong namamagitan sa kanila.
1. Katy Perry at Justin Trudeau
Hindi na nga nakatiis at inihayag na ng global icon na si Katy Perry at ng dating Canadian Prime Minister (PM) na si Justin Trudeau ang kanilang relasyon.
Sa ibinahaging Instagram (IG) story ni Katy noong Disyembre 7, makikita ang “sweet photo” nila ni ex-PM Trudeau.
Photo courtesy: Katy Perry/IG
Ilang mga espekulasyon at haka-haka muna ang kumalat patungkol sa kanilang dalawa, bago pa ikasa ni Katy ang naturang hard launch.
Sa ilang mga litrato nga, kita ang tila paglalampungan ng dalawa, na minalisyahan naman ng netizens.
KAUGNAY NA BALITA: Todamax lampungang Katy Perry at ex-Canadian PM sa yate, umani ng reaksiyon-Balita
2. Gio Tingson at Cristine Reyes
Nauwi rin sa “hard launch” ang naispatang posts ng political strategist na si Gio Tingson, kasama ang aktres na si Cristine Reyes.
Noon kasing Hulyo, nakita ng netizens na magkasama ang dalawa sa Hanoi, Vietnam, ngunit wala pang kumpirmasyon patungkol sa relasyon ng dalawa.
Pero siyempre, hindi napigilan ng netizens na malisyahin ang post, at nakatanggap ito ng samu’t saring mga reaksiyon.
MAKI-BALITA: Hard launch? Gio Tingson, flinex na si Cristine Reyes sa IG-Balita
Ngunit matapos ang ilang buwan, nakumpirma ring magjowa na nga ang dalawa.
Sa isa ngang artikulo, ibinahagi ni Cristine sa talent manager at showbiz news journalist na si Noel Ferrer kung paano sila unang nagkakilala ni Gio.
Napag-alamang matagal nang magkakilala ang magjowa, at “reconnected” lamang sila.
3. Jason Hernandez and non-showbiz GF
Ibinalandra rin ng OPM singer-songwriter na si Jason Hernandez sa isang social media post ang bago niyang bebot, na tinawag niyang “tahanan.”
Dinogshow man ng ilan, nakatanggap pa rin naman sila ng suporta mula sa kaniyang mga tagasubaybay.
Photo courtesy: Jason Marvin/IG
MAKI-BALITA: 'Tahanan, tenant yarn?' Beach photos ni Jason Hernandez kasama bagong bebot, dinogshow ng netizens-Balita
4. Tricia Robredo at kaniyang fiance
Hindi nagpahuli at nag-hard launch din ngayong taon si Dra. Tricia Robredo, ang ikalawang anak ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo.
Sa isang social media post noong Nobyembre 12, isiniwalat niyang isang taon na siyang engaged sa jowang hindi niya pinangalanan.
Photo courtesy: Tricia Robredo/IG
MAKI-BALITA: 'Hard launch malala!' Tricia Robredo engaged na pala, sino ba ang fiancé niya?-Balita
5. Kyo Quijano at Luigi Pacheco
Noong Mayo ngayong taon, pinagsabay ng content creator na si Kyo Quijano ang pagbati ng “happy birthday” at hard-launch ng kanilang relasyon ng kapwa niya content creator na si Vincent Luigi Pacheco.
“Dahil birthday mo ngayon… ipapahiya muna kita ng very light sa ibang pictures dito.... Pero siyempre, ipagmamalaki rin kita sa buong mundo! My partner, my boyfriend, my wabi, my hubby, my real-life leading man, my own BL love story come true,” saad ni Kyo.
“Happy birthday, Vincent Luigi. I'm proud of you! I love you! So much!” dagdag pa niya.
Photo courtesy: Kyo Quijano/FB
6. Mark Leviste at Aira Lopez
Pormal nang naging magjowa sina Batangas Vice Governor Mark Leviste at Kapuso Sparkle artist Aira Lopez.
Sa isang social media post noong Enero, ipinakita ni Aira kung paano niya ibinigay kay Leviste ang matamis niyang oo.
Photo courtesy: Aira Lopez/TikTok
MAKI-BALITA: Mark Leviste, napasagot na si Aira Lopez!-Balita
Kamakailan lang din, pumalag si Aira sa mga nang-ookray sa relasyon nila ni Leviste. Sabi kasi ng bashers, mukha raw silang magtatay.
Photo courtesy: Aira Lopez/FB
MAKI-BALITA: Aira Lopez pinalagan netizen na nagsabing magtatay sila ni Mark Leviste-Balita
7. Carla Abellana at Dr. Reginald Santos
Malalang hard-launch ang ipinakita ng aktres na si Carla Abellana matapos nilang isagawa ni Dr. Reginald Santos ang kanilang pag-iisang dibdib noong Sabado, Disyembre 27.
Photo courtesy: GMA Integrated News
KAUGNAY NA BALITA: Carla Abellana, 'higop' na 'higop' ng mister na doktor-Balita
Matapos ito ng matagal at mahabang pagtsitsikahan ng netizens sa umano’y nalalapit na kasal ni Carla, nang makita nila ang tila “hints” na ibinibigay nito sa kaniyang social media posts.
KAUGNAY NA BALITA: 'Soft launch? Carla Abellana, may pasilip sa sapatos ng ka-date-Balita
KAUGNAY NA BALITA: Carla Abellana, ikakasal na nga ba?-Balita
Bagama’t wala pang kumpirmasyon, patuloy namang pinag-uusapan ang umano’y namamagitan sa aktor na si Daniel Padilla at Kaila Estrada. Gayundin ang ilang haka-haka at espekulasyon patungkol naman sa aktres na si Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala.
KAUGNAY NA BALITA: Umakbay pa nga! Kaila, Daniel magkasamang nanood ng concert?-Balita
KAUGNAY NA BALITA: Kathryn, Mayor Alcala naispatan na namang magkasama?-Balita
Sa gitna ng mga dumaang kalamidad, isyu, at kung ano-ano pa ngayong 2025, pinatunayan ng mga mag-jowang ito na “Love conquers all.”
Vincent Gutierrez/BALITA