December 30, 2025

Home BALITA National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'
Photo courtesy: House of Representatives (FB)

Binigyang-pugay ni Manila 6th District Representative Benny Abante ang pumanaw na kapwa solon at dating miyembro ng House Quad-Comm na si Antipolo 2nd District Representative Romeo Acop, sa isinagawang pag-alala at pagpupugay sa kaniya sa House of Representatives (HOR) nitong Lunes, Disyembre 29.

Ayon sa eulogy ni Abante, noong bago raw magkasakit si Acop, lagi raw siya nitong inaayang maglaro ng golf, subalit hindi natutuloy.

"I remember him always inviting me to play golf within the Antipolo, but I was not able to... before he got sick I told him, 'We're gonna play golf.' Well, I guess we have to play golf up in heaven, after so many months," saad ni Abante.

Binigyang-pugay ni Abante ang mahahalagang katangian ni Acop na aniya'y nakatulong daw upang maisulong ang pagpapaigting at pagpapahalaga sa karapatan at pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

National

Kamatayan, parusa daw sa kasalanan! Barbers, rumesbak sa bashers ni Acop

Ang naaalala raw niya kay Acop ay kung paano nito isinabuhay ng namayapang solon ang virtues na "justice," "mercy," at "humility" na nasusukat umano sa paggawa ng tama sa kabila ng mga kinahaharap na pressure.

Para daw sa nakararami, si Acop ay isang mambabatas, isang dating police general, at isang public servant pero para kay Abante sa mga dating miyembro ng Quad Committee, si Acop ay isang "principled partner."

"In our pursuit of truth and accountability, Representative Acop consistently stood on the side of justice," giit pa ni Abante.

Matatandaang isa si Abante sa mga agarang naglabas ng opisyal na pahayag kaugnay sa pagkamatay ni Acop.

"I am deeply saddened by the passing of Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop," mababasa sa opisyal na pahayag ng pakikiramay ni Abante.

"Rep. Acop was not only a colleague, but a principled partner in our work at the Quad Committee. In our pursuit of truth and accountability, he consistently stood on the side of justice and never lost sight of the victims whose voices we were duty-bound to hear."

"In the most crucial moments of our hearings, he displayed courage, clarity, and moral conviction. He was firm when firmness was required and fair when fairness was needed. He was steadfast in his belief that public office is a trust that must always be exercised with integrity and respect for human rights," aniya pa.

Kaugnay na Balita: Principled partner sa Quad Comm: Benny Abante, nagbigay-pugay kay Romeo Acop

Maraming bashers naman ang nang-urot kay Abante na baka raw susunod na siya kay Acop.

Kaugnay na Balita: Benny Abante, kinantyawan sa pagkamatay ni Romeo Acop: 'Susunod ka na!'

Samantala, bukod kay Abante, kabilang din sa nagbigay ng eulogy para sa kaniya si dating Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na binatikos naman ang bashers ng pagpanaw ni Acop.

Kaugnay na Balita: Kamatayan, parusa daw sa kasalanan! Barbers, rumesbak sa bashers ni Acop

Si Barbers ay dating kasama nina Acop at Abante sa Quad Comm noong 19th Congress.