Umaasa si “Bar Boys: After School” director Kip Oebanda na makukulong na ang mga tiwaling opisyal sa susunod na taon.
Sa talumpati ni Direk Kip sa ginanap na Gabi ng Parangal 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Sabado, Disyembre 28, hiniling niyang makapagbigay sana ng inspirasyon ang binuo nilang pelikula.
Aniya, "Sana po 'yong pelikula namin ay ma-inspire kayo na ipagpatuloy ang laban kahit napaka-unfair ng sistema sa ating bansa.”
“At na hindi sumuko at ipaglaban ang hustisya kahit gaano katagal at kahit gaano kahirap ito. At sana by next year, makulong na ang mga korap,” dugtong pa ng direktor.
Matatandang sequel ang “Bar Boys: After School” ng “Bar Boys” (2017) na nakasentro ang kuwento sa apat na magkakaibigang tinangkang pumasok sa law school.
Nakuha ng nasabing pelikula ang parangal na “Fernando Poe, Jr. Memorial Award” sa ginanap na Gabi ng Parangal 2025 MMFF.
Maki-Balita: Listahan ng mga nagwagi sa 2025 MMFF Gabi ng Parangal