January 01, 2026

Home SHOWBIZ Events

Piolo, lamang lang ng konting paligo kay Torre

Piolo, lamang lang ng konting paligo kay Torre
Photo Courtesy: Screenshots from MMFF (FB)

Humirit ng biro si Metro Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas Torre III tungkol sa bahagyang kalamangan ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa hitsura.

Sa talumpati ni Torre sa ginanap na Gabi ng Parangal 2025 Metro Manila Film Festiva (MMFF) noong Sabado, Disyembre 27, binanggit niyang malapit umano sa puso niya ang “Manila’s Finest” kung saan bumida si Piolo.

“Bilang dating pulis, malapit sa puso ko ang 'Manila's Finest,'” sabi ni Torre. “Lamang man ng mga ilang paligo si Kuya Piolo, hindi man ako kasing-tikas nila at ng iba pang mga bida, pero katulad nila, ramdam ko ang mga pagsubok at challenges na kanilang hinarap.”

“Maraming salamat sa pagbigay-buhay  sa istorya ng pulis,” dugtong pa ng MMDA Gen. Manager.

Events

Mayor Leni flinex si BINI Mikha, nag-sponsor ng pagkain para sa mga bata

Nakasentro ang kuwento ng “Manila’s Finest” sa mga pulis noong 1970 sa kasagsagan ng first quarter storm na masasangkot sa imbestigasyon ng murder case ng mga nanggulong kabataan sa magulong bahagi ng lungsod.

Nakamit ng naturang pelikula ang 3rd Best Picture at iba pang pagkilala tulad ng Best Cinematography, Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, Best Original Theme Song, Best Production Sign, Best Musical Score, Best Sound, at Best Float.

Maki-Balita: Listahan ng mga nagwagi sa 2025 MMFF Gabi ng Parangal