Usap-usapan sa social media ang kumakalat na video clip sa matapang at mapang-uyam na hirit ng award-winning na journalist at dokumentarista ng GMA News na si Kara David habang nasa entablado ng isang event sa University of the Philippines (UP) Diliman, kasama ang kaniyang co-host.
Sa viral video clip, maririnig si Kara na tila nagbiro ngunit may bigat ang mensahe nang tanungin ang audience:
“Buhay pa ba kayo? Siyempre buhay kayo kasi hindi kayo kurakot!”
Agad itong sinundan ng mas matapang na linya na ikinagulat at ikinatawa ng marami: “Mga kurakot lang ang mamamatay!”
Hindi pa roon nagtapos ang sunod-sunod na hirit ng batikang mamamahayag. Sa gitna ng kulitan nila ng co-host, pabirong sambit ni Kara, “Apat pa lang ‘yong napapatay ko eh,” na mabilis ding sinundan ng, “Apat na ba? Gusto natin mas marami pa, ’di ba?”
Sa mga sumunod na hirit ni Kara, sinabi niyang bilang dokumentarista, marami na raw siyang naisadokumento patungkol sa mga buwaya, at masasabi raw niyang mas matakaw pa rin ang mga politikong kurakot kaysa sa kanila.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Birthday wish granted, Miss Kara!"
"Iba ka talaga, Miss Kara hahaha."
"Mag birthday ka ulit para mabilis"
"Kinakabahan na siguro 'yong iba, kakaiba pala talaga mag-birthday wish si Kara."
"I’m all for accountability and justice. but, this is the quintessential example of why we should be cautious about what we wish for, because our words hold power, and we never know who might be listening. Just saying."
"Mahirap makalaban si Kara David, Siya yung female verson ng KIRA ng Death Note."
Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang birthday wish ni Kara na nais niyang mamatay na ang mga kurakot.
Samantala, hindi naman tinukoy ni Kara kung sino ang "apat" na kurakot na tinutukoy niyang "napatay" niya dahil sa birthday wish niya.Kau
Kaugnay na Balita: 'Sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!' birthday wish ni Kara David
Kaugnay na Balita: Birthday wish ni Kara David, sana raw magkatotoo sey ng netizens