January 06, 2026

Home SHOWBIZ

'Baby ka lang namin dati!' Loisa Andalio, proud tita sa MMFF award ni Lucas Andalio

'Baby ka lang namin dati!' Loisa Andalio, proud tita sa MMFF award ni Lucas Andalio
Photo courtesy: MMFF, Loisa Andalio/X


Masayang pagbati ang handog ng aktres na si Loisa Andalio para sa kaniyang pamangking si Lucas Andalio, matapos nitong manalo bilang “Best Child Perfomer” sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025.

“Baby ka lang namin dati!!!!!! Congratulations Baby Lucas namin Best Child Actor!!!!!” WE LOVE YOU!” saad ni Loisa sa ibinahaging niyang social media post noong Sabado, Disyembre 28.

Kalakip ng naturang post ang baby photos ng “Call Me Mother” star habang siya ay bitbit ng kaniyang Tita Loisa.

Photo courtesy: Loisa Andalio/X

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon ang naturang social media post ni Loisa.

“Star in the making”

“Dalawang Andalio na ang pinaguusapan ngayon!!! Deserve!!!”

Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

“Angkyuuuuuut mo Lucassss! Congrats…so well deserved.”

“Congratulations lucasss… galing galing!!!”

“Congratulations Baby Lucas Andalio, Proud of you”

“Congrats Lucas!! Soafer happy nia nung tinawag name nia”

Nanalo bilang Best Child Performer si Lucas Andalio ng “Call Me Mother” kontra kina Argus Aspiras ng “Love You So Bad” at Ellie Cruz ng “Rekonek.”

Vincent Gutierrez/BALITA

Inirerekomendang balita