December 30, 2025

Home BALITA

'Animal Welfare Program' may ₱10M na pondo sa 2026—Sen. Kiko

'Animal Welfare Program' may ₱10M na pondo sa 2026—Sen. Kiko
Photo courtesy: via MB

Naglaan ng ₱10 milyon na panimulang pondo ang pamahalaan para sa Animal Welfare Supervision and Accreditation Program sa panukalang 2026 national budget.

Ayon kay Sen. Francis Pangilinan, layon ng programa na gawing mas propesyonal ang pagpapatupad ng animal welfare laws at mapalakas ang pangangasiwa at akreditasyon ng mga animal rescue at shelter sa bansa.

“Layunin ng programang ito ang mapalawak ang pagtingin at pag-alaga sa mga animal rescues o nasa shelters ng makatao at sa ligtas na paraan. Susuportahan nito ang mga legit at gumaganang animal welfare orgs,” ani Pangilinan sa inilabas na aritkulo ng Senate website noong Sabado, Disyembre 27, 2025. 

Si Pangilinan ay kasapi ng Bicameral Conference Committee ng Committee on Finance na tumatalakay sa 2026 national budget.

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Noong 2012, siya ang nag-sponsor ng mga amyenda sa Animal Welfare Act of the Philippines na nagtaas ng parusa laban sa animal cruelty at neglect. Nakipagtulungan din siya noon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa pagpapabuti ng nasabing batas. 

“Binabalik tayo sa lupa ng mga karanasang ito tuwing may policy debate — binabalik sa araw-araw na responsibilidad at pagmamahal. Kasama ang tamang pangangasiwa at akreditasyon, naaalagaan natin ang mga hayop, nasusuportahan natin ang mga legit na rescuers, at nagiging mas patas at consistent ang pagpapatupad ng batas,” dagdag ni Pangilinan.

Binanggit din ang kamakailang kaso ng animal cruelty na kinasangkutan ng isang American Bully na si Axle, na nasawi matapos umanong saktan ng isang lalaki.

 Kaugnay nito, nakapaghain na ang pulisya sa Sadanga, Mountain Province ng reklamo laban sa suspek sa Provincial Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Animal Welfare Act, matapos hindi tanggapin nang dalawang beses ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensiya.