December 30, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Angelica nagbiro sa pagkatalong Best Actress: 'Naghanda ako ng speech, pero 'di ko na nasabi!'

Angelica nagbiro sa pagkatalong Best Actress: 'Naghanda ako ng speech, pero 'di ko na nasabi!'
Photo courtesy: MMFF (FB)

"Angge is really back!"

Iyan na lang ang nasabi ng mga netizen kay "Unmarry" lead star Angelica Panganiban matapos niyang magpakawala ng hirit na biro sa naganap na Gabi ng Parangal ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF), nang tanggapin niya ang parangal para sa pagka-2nd Best Picture ng kanilang pelikula.

May hirit na biro kasi si Angge matapos na "malotlot" sa kategoryang "Best Actress in a Leading Role" matapos mapunta ang parangal kay Krystel Go, ang kauna-unahang aktres na may down syndrome, na bumida naman sa pelikulang "I'mPerfect" na itinanghal naman bilang Best Picture.

Isa si Angge sa mga matunog ang pangalang posibleng hiranging Best Actress matapos purihin ang kaniyang pag-arte sa comeback movie niya, matapos mag-lie low simula nang manganak.

Pelikula

Vice Ganda, todo-pasalamat sa madlang people, little ponies: 'Alam kong ginusto nyo ‘to para sa’kin, we won!'

Kaya nang tinawag na siya para magbigay ng kaunting mensahe, sinalubong si Angge ng palakpakan na may kasamang hiyawan. Una, nagpasalamat muna siya sa pamunuan ng MMFF dahil sa parangal na ipinagkaloob sa kanila.

Maya-maya, hirit ni Angge, meron daw talaga siyang inihandang speech pero unfortunately, hindi na nga niya nadeliver dahil si Krystel nga ang hinirang na Best Actress.

"At hindi ko nasabi... ako naghanda ako ng speech eh, pero hindi ko na nasabi," natatawang sabi ni Angelica sabay hagalpakan at hiyawan din mula sa audience.

Sa pagpapatuloy niya, gusto raw niyang pasalamatan ang mister niyang si Gregg Homan sa patuloy na pagsuporta sa kaniyang craft, na mahal na mahal daw niya.

Samantala, very memorable naman ay Krystel ang parangal dahil bukod sa unang beses niyang sumabak sa pelikula, siya rin ang kauna-unahang aktres na parangalan sa nabanggit na kategorya na may down syndrome.

“Maraming salamat po sa award na ‘to. Hindi po ako makapaniwala na nanalo po ako. Kaya rin po naming umarte. Lord, tinupad mo po ang pangarap ko, naming lahat na maging artista,” mangiyak-ngiyak sa galak na saad ni Krystel sa kaniyang winning speech.

Kaugnay na Balita: ALAMIN: Bakit ‘historic’ ang MMFF 2025