December 30, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Lucky charms na pinapatos ng mga Pinoy tuwing Bagong Taon

ALAMIN: Lucky charms na pinapatos ng mga Pinoy tuwing Bagong Taon
Photo courtesy: via MB

Bawat pagsalubong sa Bagong Taon, sari-saring pamahiin at paniniwala ang muling binubuhay ng mga Pilipino sa pag-asang magkakaroon ng suwerte, kasaganaan at magandang kapalaran. 

Kabilang sa pinakapopular na tradisyon ang paggamit ng iba’t ibang “lucky charms” na inaakalang magdadala ng positibong enerhiya sa darating na taon.

Narito ang ilan sa mga pinakapinapatos na lucky charms ng mga Pinoy tuwing Bagong Taon:

1. Damit na may polka dotsIsa sa mga pinakakilala at madalas sundin na paniniwala ang pagsusuot ng damit na may bilog-bilog na disenyo. Ang bilog ay sinisimbolo ang barya at pera, kaya’t pinaniniwalaang makatutulong ito upang magkaroon ng tuloy-tuloy na kita sa buong taon.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ano ang mga kasong isinampa ng gobyerno ng Espanya kay Rizal?

2. Labindalawang bilog na prutas sa mesaKaraniwan nang inihahanda ang 12 bilog na prutas bilang representasyon ng 12 buwan ng taon. Naniniwala ang marami na kapag kumpleto at sari-sari ang prutas, magiging masagana at puno ng biyaya ang buong taon.

3. Pera sa bulsa pagsapit ng alas-doseMay mga Pilipino na sinisigurong may lamang barya o papel na pera ang kanilang bulsa sa mismong pagsalubong ng Bagong Taon. Simbolo raw ito ng hindi nauubos na daloy ng pera at kabuhayan.

4. Lucky bamboo at Chinese coinsPatok din ang mga dekorasyong tulad ng lucky bamboo at Chinese coins na may pulang tali. Madalas itong inilalagay sa sala o malapit sa pintuan bilang paniniwalang humihikayat ng suwerte at proteksiyon sa tahanan.

5. Malalakas na ingay at paputokBagama’t hindi tradisyonal na “charm,” itinuturing ng ilan ang ingay bilang panlaban sa malas. Ang paputok, torotot at pagkalampag ng mga kaldero ay pinaniniwalaang nakakataboy ng masasamang espiritu at negatibong enerhiya.

6. Bukas na bintana at pintoMay paniniwala ring kailangang buksan ang mga bintana at pinto sa pagsalubong ng Bagong Taon upang makapasok ang suwerte at bagong oportunidad sa buhay.

Para sa mga Pilipino, ang mga lucky charms na ito ay higit pa sa pamahiin. Bahagi na ito ng kultura at tradisyon na nagbibigay saya, pag-asa at positibong pananaw sa pagharap sa panibagong taon.