January 08, 2026

Home BALITA

Trillanes sa ICI kung ‘di iimbestigahan si Rep. Pulong, Go: 'Magsara na kayo!'

Trillanes sa ICI kung ‘di iimbestigahan si Rep. Pulong, Go: 'Magsara na kayo!'
Photo Courtesy: via MB, Bong Go (FB)

Tila sang-ayon si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa pagpapasara ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Sa latest Facebook kasi ni Trillanes nitong Sabado, Disyembre 27, naghayag siya ng frustration sa komisyon sa kabiguan nitong imbestigahan sina Sen. Bong Go at Davao City First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte.

“Kung hindi rin lang naman iimbestigahan ng ICI si Pulong na hindi sumipot sa hearing kasi meron syang 51 bilyon insertions; at si Bong Go na hindi man lang pinatawag kahit sya ay nagbigay ng almost 200 contracts worth 7 bilyon sa tatay at kapatid nya, eh tama lang na MAGSARA NA KAYO!!!” saad ni Trillanes.

Matatandaang inalmahan na ni Pulong ang ₱51 bilyong insertions na iniuugnay sa kaniya noong Setyembre. 

Politics

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

Aniya, “Never ako nakialam sa mga budget hearing sa Kamara. Kahit tanungin niyo pa yung mga nagdaang Speaker. May delicadeza ako. Hindi kagaya ngayon na mismo magkakamag-anak ang naglalaro sa budget.”

Samantala, nagbigay naman si Trillanes noong Oktubre sa ICI ng kopya ng plunder complaint laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Go, at iba pa.

Maki-Balita: Trillanes, nagbigay ng kopya ng plunder complaint laban kina FPRRD, Go, atbp sa ICI

Ngunit hanggang sa kasalukuyan, walang imibitasyong ipinapadala ang komisyon kay Go at sa mga kasapakat niya.

Maki-Balita: ICI, pinabulaanang pinatawag nila si Sen. Go