Inulan ng batikos si Miss Universe 1969 Gloria Diaz matapos ipangalandakan ang nilantakan niyang sosyal na Christmas meal.
Sa isang Instagram post ni Gloria noong Biyernes, Disyembre 26, mapapanood ang video kung saan nakahain sa hapag ang alimango.
“Eating soft shell crabs is a privilege but our crabs in Philippines is just as amazing!” saad sa caption ni Gloria.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Bakit po wala kayong corned beef at pineapple juice with lots of ice sa Noche Buena?"
"Anong update ng noche buena niyo manang? Magkano nagastos"
"Hi po asking lang po how much ung inabot ng pinang noche buena niyo. Tinry niyo po ung 500 pesos na noche buena challenge? kasya ba?"
"this is so insensitive, the audacity to say 500 pesos is enough for filipino people’s noche buena and defend your friend, invalidating the people, gaslighting them, and showcasing this, not very miss universe of you lol"
"Matapos mo ipaglaban ang 500 peso Noche Buena, magpapakita ka ng ganitong post haha. Minaliit mo masyado ang mamamayang Pilipino, Gloria."
"Im loving the comments. Deserve hahaha. I dont have to add more"
"Akala ko ba 500 pesos nochebuena lang ante?anyre?"
"Noooo. That's more than 500 pesos"
"Oh Gloria 500 x 5 yan !"
Matatandaang sinang-ayunan ni Gloria ang panukalang ₱500 na budget para sa Noche Buena ng kaibigan niyang si Department of Trade and industry (DTI) Sec. Cristina Roque.
Maki-Balita: ‘Of course, puwede!’ Gloria Diaz aprub sa '₱500-Noche Buena' ng friend na si DTI Sec. Roque, binakbakan