Tila hindi napigilan ng netizens na bakbakan ang balitang tungkol sa mga ibinahaging larawan sa beach ng OPM singer-songwriter na si Jason Marvin Hernandez kasama ang bagong bebot nitong tinawag niyang “tahanan.”
Ayon sa ulat ng ABS-CBN news nitong Sabado, Disyembre 27, makikita ang larawan ni Jason at kasama ang bagong non-showbiz girlfriend niyang nagngangalang si “Sharine.”
Photo courtesy: ABS-CBN News (FB)
Mula ito sa mga larawang ibinahagi ni Jason sa kaniyang Instagram account kamakailan kung saan idinaos nila ni Sharine ang holiday season sa El Nido, Palawan.
Tila suportado naman ng mga tagasubaybay ni Jason ang naturang bagong relasyon niya sa non-showbiz na girlfriend.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ni Jason:
“Ang gwapa naman.. bagay na bagay.”
“lalabanan kong lahat para sayo." LOVE”
“Love this for youuuu!!!”
Sa kabila nito, tila ibang reaksyon naman ang namutawi sa nasabing balita mula sa mga netizens tungkol sa caption at mga larawan ni Jason.
Narito ang ilang komentong iniwan ng tao sa post ng ABS-CBN News tungkol sa singer:
“Pangalawang tahanan. So, school yarn? Hahahaha”
“Hahahahahahha tanan nalang imo i tahanan, tenant yarn?”
“Ano na lang sasabihin nya kay Bathala kapag nakita sila sa Tagpuan? "Sorry Bathala di ko matiis"?”
“Si moira ang nauna, pero siya ang wakas Eme!!!!!!”
“Sya ang tahanan, kaso meron pang beachhouse, resthouse, townhouse, cabin in the woods, condo & apartment.”
“Tara Moira mag iinom nalang tayu”
“Pang ilang tahanan pa kaya gagawin nito! Magtatayo ng village yarn???? HAHAHAHAHAHA”
“Kala ko another music video eh, legit jowa na pala talaga”
“Daming tahanan yern?”
MAKI-BALITA: 'Kamukha rin daw ni Moira!' Jason Hernandez may pa-flex sa kasamang bebot, jowa na ba?
MAKI-BALITA: Para maka-move on? Gitara nina Jason at Moira noon, ibinenta kay Boss Toyo
Mc Vincent Mirabuna/Balita