January 04, 2026

Home BALITA National

'Pag 'di aamin si Dizon!' Rep. Leviste, no choice isuplong mga pumigil ilabas 'Cabral files'

'Pag 'di aamin si Dizon!' Rep. Leviste, no choice isuplong mga pumigil ilabas 'Cabral files'
Photo courtesy: Leandro Leviste (FB), DPWH (FB)

Wala umanong ibang magagawa si Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste kundi ilabas ang listahan ng pangalan ng mga indibidwal na pumigil sa kaniyang isapubliko ang mga umano’y “Cabral files” na hawak niya kung hindi raw kukumpirmahin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na ipinabigay nito sa kaniya ang mga iyon. 

Ayon sa naging pahayag ni Leviste sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Disyembre 27, hinanap niya si Dizon dahil ito raw ang nag-utos sa pumanaw na si dating DPWH Usec. Catalina Cabral na ibigay ang mga hawak nitong files tungkol sa 2025 budget insertions sa kaniya. 

“Nasaan na ang Vince Dizon ng September — na tumawag kay USec Cabral para ipabigay sa akin ang mga files ‘in the spirit of transparency’?” kuwestiyon niya. 

Photo courtesy: Leandro Leviste (FB)

Photo courtesy: Leandro Leviste (FB)

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Ani Leviste, mapipilitan daw siyang ilabas ang listahan ng mga indibidwal na pumigil sa kaniyang isapubliko ang mga nasabing files kung hindi aamin si Dizon na ito ang nag-utos kay Cabral na ibigay sa kaniya ang mga iyon. 

“Kung hindi aaminin ni Sec Vince na pinabigay niya sa akin ang mga authentic na files na ito, mapipilitan akong pangalanan ang mga taong kumausap sa akin upang huwag itong ilabas — na maaaring sila rin ang pumipigil kay Sec Vince na kumpirmahin ang authenticity ng mga files,” pagdidiin niya. 

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag si Dizon tungkol sa paghahanap na ito ni Leviste sa kaniya. 

MAKI-BALITA: Rep. Leviste, napaluha sa presscon; budget ng distrito niya, ibinala raw laban sa kaniya!

MAKI-BALITA: ‘Listahan ng proponents ng DPWH insertions, nasa computer ni Cabral!’—Rep. Leandro Leviste

Mc Vincent Mirabuna/Balita