Aarangkada ang pa-libreng sakay ng Department of Transportation (DOTr) sa LRT-2 at MRT-3 sa darating na Martes, Disyembre 30, bilang paggunita sa ika-129 araw ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal.
Sa anunsyo ng LRT-2 at MRT-3, ang libreng sakay ay nasa mga oras na 7:00 AM hanggang 9:00 AM at magpapatuloy ng 5:00 PM hanggang 7:00 PM.
Matatandaang inilabas ng LRT-2 at LRT-1 ang kanilang adjusted train schedule bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.
MAKI-BALITA: LRT-2, extended na ang biyahe simula Disyembre 9–DOTr
MAKI-BALITA: LRT-1, inilabas na kanilang ‘adjusted operating schedule’ sa parating na holiday rush
Kamakailan din ay umabot sa 2,841,788 ang sumatotal ng mga pasaherong nakinabang sa “12 Days of Christmas Libreng Sakay” ng DOTr na umarangkada simula Disyembre 14 hanggang 25, para sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.
KAUGNAY NA BALITA: '12 days of Christmas' ng DOTr, idadaan sa libreng sakay sa LRT-1, 2 at MRT-3
Sean Antonio/BALITA