January 06, 2026

Home SHOWBIZ

Kahit nag-permanent goodbye: Dennis, bumati pa rin sa mga junakis ng Merry Christmas

Kahit nag-permanent goodbye: Dennis, bumati pa rin sa mga junakis ng Merry Christmas
Photo Courtesy: Dennis Padilla (IG)

Nagpaabot ng pagbati ang aktor at komedyanteng si Dennis Padilla sa mga anak niyang sina Julia, Claudia, at Leon Baretto.

Sa latest Instagram post ni Dennis kamakailan, mababasa ang mensahe niya para sa mga anak kalakip ang litrato ng mga ito.

“Dearest Julia, Claui, Leon, Gavin, and Maddie, merry Christmas mga anak. Love you all,” ani Dennis.

Matatandaang inihayag niya noong Abril sa isang phone call interview ang labis na pagkadismaya sa mga anak, partikular kay Claudia, na itinnuring lang umano siyang “guest” sa kasal nito sa long-time boyfriend na si Basti Lorenzo.

Mister ni Melanie Marquez, pinabulaanan akusasyon ng asawa

Kung sinabi raw kaagad na hindi siya bahagi ng entourage o programa, nasa kaniya ang desisyon kung dadalo pa ba siya o hindi.

Kaya naman permanente na siyang nagpaalam sa mga anak dahil suko na umano siya sa pakikipag-ayos sa mga ito.

Aniya, "This is a permanent goodbye. Maybe the last time that you will see me, sa loob na ng kabaong ko yon. ‘Di na ako makakaiwas.”

KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, suko na sa mga anak, baka sa 'kabaong' na siya huling makita

Samantala, pinabulaanan naman ng dating asawa ni Dennis na si Claudine Barretto na inilalayo niya ang mga anak niya rito.

Maki-Balita: Marjorie Barretto, pinabulaanang nilalayo niya ang mga anak kay Dennis Padilla