January 26, 2026

Home SHOWBIZ

‘Hind na natin maririnig ang boses niya:’ Jimmy Regino ng Aprilboys, pumanaw na!

‘Hind na natin maririnig ang boses niya:’ Jimmy Regino ng Aprilboys, pumanaw  na!
Photo Courtesy: Jimmy Regino (FB)

Sumakabilang-buhay na si Jimmy Regino ng grupong Abrilboys ayon sa kapatid nitong si Vingo Regino.

Sa isang Facebook post ni Vingo nitong Sabado, Disyembre 27, inanunsiyo niya sa mga tagasubaybay ng Aprilboys ang pagpanaw ng utol niya.

“Sa lahat po ng fans ng Aprilboys, binabalita ko lang po sa inyo na pumanaw na ang kapatid kong si Jimmy. Hindi na natin maririnig ang boses niya,” saad ni Vingo.

Dagdag pa niya, “Ang hirap po ng mawalan ka ng mahal mo na kapatid. 'Yong pinagsamahan po namin, naaalala ko hanggang ngayon. Kahapon pa ako umiiyak, kahapon pa ako malungkot na malungkot.”

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

Matatandaang 1993 nang mabuo ang Aprilboys bagama’t noong 1995 ay iniwan ng panganay sa magkapapatid na si April Boy ang grupo para magsolo.

Ngunit sa kabila nito, nanatili pa ring aktibo ang grupo.