January 01, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Carla Abellana, ikinasal na sa jowang doktor!

Carla Abellana, ikinasal na sa jowang doktor!
Photo Courtesy: GMA News (FB)

Ikinasal na si Kapuso star Carla Abellana sa jowa niyang doktor na si Reginald Santos.

Sa isang Facebook post ng GMA News nitong Sabado, Disyembre 27, nagpaabot sila ng pagbati kina Carla at Reginald kalakip ang litrato ng dalawa.

“Congratulations and best wishes, Carla Abellana and Dr. Reginald Santos!! ” saad sa caption ng post.

Umani naman ng pagbati mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Kuda ng netizens sa mag-ex: Kung si Carla 'married' na, si Tom 'unmarry'

"Congratulations buti pa ito kinasal yong x nya nkpaglive in at anakk muna"

"Mas maganda doctor kesa actor... good choice"

"congrats... u deserved to be happy at least Dr. napAngasawa mo at totoong lalaki.."

"Congratulations! Busy pa kasi si Tom makipag-puksaan sa mga sanggre HAHAHA"

"BEST WISHES SANA SYA NA"

"Saktong gumamot sa puso nya… Dok pala congrats"

"naol married twice "

Matatandaang Oktubre pa lang ay umugong na ang usap-usapang ikakasal na umano si Carla.

Sa isang episode ng showbiz-oriend vlog ni showbiz insider Ogie Diaz, nakarating umano sa kaniya ang tsikang Disyembre umano magaganap ang muling pakikipag-iisang-dibdib ng aktres.

Nauna na siyang ikasal noon sa kapuwa niya Kapuso star na si Tom Rodriguez ngunit kalaunan ay nauwi sa divorce ang kanilang pagsasama.

Maki-Balita: Carla Abellana, ikakasal na nga ba?