January 04, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Barbie, napa-react matapos mapusuan ni Angelica bilang 'Rubi'

Barbie, napa-react matapos mapusuan ni Angelica bilang 'Rubi'
Photo Courtesy: Barbie Forteza (IG), Screenshot from ABS-CBN (YT)

Tila hindi inasahan ni Kapuso star Barbie Forteza na mapupusuan siya ni Kapamilya star Angelica Panganiban para gumanap sa titular character ng teleserye nitong "Rubi."

Sa isang TikTok post kamakailan, mapapanood ang video clip mula sa year end special ng Dog Show Divas kung saan sumalang si Angelica bilang guest. 

"Kung ire-remake natin ang Rubi at ikaw ang magpapasa ng korona sa bagong Rubi, sino kaya sa tingin mo [ang next Rubi]?" tanong ng isa sa mga host na si Baus Rufo.

 Sagot ni Angelica, "Alam mo kasi, napanood ko 'yong 'Kontrabida Academy,' nagalingan ako kay Barbie Forteza." 

Teleserye

'Ang Enca at ako ay iisa!' Suzette Doctolero, kinlaro okray niya sa 2016 Encatandia

 "So, isa siya sa mga pwede kong pagpasahan kasi parang kaya niyang bumakla, kaya niyang magpatawa rin, at magaling siyang magdrama," dugtong pa ng Kapamilya star.

Komento naman ni Barbie, "Hala!'

Matatandaang 2010 nang umere sa ABS-CBN channel ang "Rubi" na halaw mula sa 2004 Mexican TV series na may parehong pamagat.

Nakasentro ang kuwento nito sa sakim at ambisyosang dalaga na gagawin ang lahat matakasan lang ang kinasasadlakang kahirapan.