Ilang araw na lang ang nalalabi at matatapos na ang 2025 ngunit single ka pa rin?
Ilan sa mga maituturing na epektibong paraan para makakilala ng taong nararapat para makatuwang mo sa isang relasyon ay ang pagpasok sa mga online dating applications.
Dagdag pa, sinabi rin ng Department of Health (DOH) na lumabas umano sa isang pag-aaral na apat (4) sa bawat 10 mga Pilipino ang gumagamit ng online dating applications para maghanap ng kanilang karelasyon.
MAKI-BALITA: ‘Ikaw rin ba?’ 4 sa 10 Pilipino, gumagamit ng online dating apps!—DOH
Bukod pa rito, pinatunayan din umano sa mga pag-aaral sa tatlo (3) sa bawat 10 mga Pilipino ang nakakahanap o nakakakilala ng kanilang nakakarelasyon.
Ngunit ano nga ba ang bagay na dapat o hindi dapat gawin sa paggamit ng online dating applications o nakikipagkilala sa ibang mga tao sa pamamagitan nito?
Ayon sa inilabas na informational video ng DOH sa kanilang Facebook page noong Biyernes, Disyembre 26, naglatag sila ng ilang mahahalagang bagay na kailangan mong sundin.
Anila, huwag daw maglagay ng mga pampersonal na impormasyon at contact number mo profile mo.
“Iwasan ang paglalagay ng personal [information] tulad ng address o contact number sa profile,” pagsisimula nila.
Iwasan din ang magbahagi ng mga pribadong larawan sa mga nakakausap sa online dating applications para maiwasang samantalahin ito ng ibang tao.
“Huwag din mag-share ng mga pribadong larawan maaari kasi itong magamit ng iba para makapanlinlang ng ibang tao,” saad nila.
Kilalanin muna at huwag agad makipagkita sa mga taong kakasimula pa lang makausap sa online dating apps.
“Paalala lang na hangga’t maaari na iwasan ang pakikipagkita sa first chat pa lang. Mas safe kung makikilala mo muna nang husto ang kausap mo bago makipagkita,” ‘ika nila.
Anang DOH, tiyaking pareho kayo ng nararamdaman sa isa’t isa bago umakyat sa mas mataas pang lebel ng pakikipagrelasyon.
“Kung ready ka nang i-level up ang lahat, make sure that the other person feel the same way too,” diin nila.
Ugaliin ding manghingi ng “consent” sa isang tao at matutong respetuhin ang mga “boundaries” ng mga nakakausap.
“Ask for content and respect each other's boundaries. Kung hindi pa ready ang isa, huwag mamilit. After all, good things come to those who wait,” paalala nila.
Pinakamahalaga umano sa lahat, kung hindi mapipigilan, laging pairalin ang pagsasagawa ng ligtas na pakikipagtalik.
“But when the time is right, always practice safe sex. Gumamit ng condoms, lubricants, at prep para makaiwas sa mga sexually transmitted infections, kabilang na ang HIV,” pagtatapos nila.
MAKI-BALITA: ‘Ikaw rin ba?’ 4 sa 10 Pilipino, gumagamit ng online dating apps!—DOH
MAKI-BALITA: Jutay ba? 'Junjun' puwedeng palakihin kahit walang opera o gamot
Mc Vincent Mirabuna/Balita