January 04, 2026

Home BALITA National

VP Sara, kamukha ng manikang si ‘Chucky’ 'pag galit!—Atty. Claire Castro

VP Sara, kamukha ng manikang si ‘Chucky’  'pag galit!—Atty. Claire Castro
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO, Atty. Claire Castro (YT)

Pinasaringan ni Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro si Vice President Sara Duterte na kamukha raw nito ang manikang si “Chucky” mula sa American horror film na “Child’s Play.” 

Ayon sa reaction video na inilabas ni Castro sa kaniyang YouTube channel nitong Biyernes, Disyembre 26, pinanood niya ang naging pahayag ni VP Sara tungkol sa hindi nito pagbibigay ng mensahe para sa Pasko kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong Huwebes, Disyembre 25, 2025. 

“Bakit? Magbabago ba ‘yong ugali niya kung Christmas o hindi? Hindi naman magbabago. And in the same din, magbabago ba ‘yong ugali ko kung Christmas o hindi? So kung ayaw ko siyang batiin kahapon na hindi Christmas, ayaw ko siyang batiin ngayong Pasko,” ani VP Sara sa isang ambush interview. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Magbabago ba 'yong ugali niya?' VP Sara, 'di binati si PBBM noong Pasko

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Sa gitna ng panonood ni Castro, sinabi niyang may kahawig daw si VP Sara. 

“Magme-message daw ba kay PBBM? O tingnan n’yo ‘yong mukha niya mga ka-Kler. Nadinig lang ang pangalang ‘PBBM,’ tingnan n’yo siya ulit mga ka-Kler, may kahawig ito, e,” aniya. 

Dagdag pa niya, “May kahawig ‘pag ganiyan ang itsura. Tingnan natin.” 

Screenshot mula sa video ni Atty. Claire Castro (YT)

Screenshot mula sa video ni Atty. Claire Castro (YT)

Pagpapatuloy pa niya habang naghahanap ng litrato, “Kapag galit na galit, e. Ayaw ko na sa inyong ipakita, pinakita ko na dati ito, e… Galit na galit kasi siya ‘pag nagme-melt down siya. Iba ang itsura niya.” 

Kasunod nito, ipinakita ni Castro sa kaniyang mga tagapanood ang larawan ng manikang “Good Guy Doll” na sinaniban ni Chucky na tila kamukha raw ni VP Sara kapag nagagalit at nagsasalubong ang kilay nito. 

“Tingnan ninyo ‘yong itsura niya dito, parang ganito, e. Nagsasalubong ang kilay. Parang ganiyan. Parang ganiyan lang kapag galit,” pasaring niya. 

Screenshot mula sa video ni Atty. Claire Castro (YT)

Screenshot mula sa video ni Atty. Claire Castro (YT)

Sinagot naman ni Castro na hindi raw magbabago ang ugaling mahinahon, hindi nagmumura at nagbabanta ng buhay kahit hindi selebrasyon ng Pasko ni PBBM. 

“Definitely, mahinahon ‘yon [PBBM]. Kahit hindi Pasko, mahinahon pa rin. Kahit hindi Pasko, hindi nagme-melt down. Kahit hindi Pasko at maraming bashers, hindi nagmumura, hindi nagbabanta ng buhay,” buwelta niya. 

“Hindi talaga magbabago kasi ugali niya ‘yon,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si VP Sara kaugnay sa naging reaksyon na ito ni Castro tungkol sa kaniya.

MAKI-BALITA: 'Magbabago ba 'yong ugali niya?' VP Sara, 'di binati si PBBM noong Pasko

MAKI-BALITA: Mensahe ni PBBM ngayong Kapaskuhan: 'Let us bring kindness, happiness!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita