Tumangging magbigay ng mensahe si Vice President Sara Duterte para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para sa pagdiriwang ng nagdaang Pasko.
Ayon sa naging pahayag ni VP Sara sa isang ambush interview ng News 5 sa Davao City noong Huwebes, Disyembre 25, kinuwestiyon niya kung magbabago raw ba ang ugali ng Pangulo sa selebrasyon man ng Pasko o maging sa normal na araw.
“Bakit? Magbabago ba ‘yong ugali niya kung Christmas o hindi?” pagsisimula niya.
Diin pa niya, “Hindi naman magbabago.”
Ani VP Sara, parehas lang daw na hindi magbabago ang ugali niya.
“And in the same din, magbabago ba ‘yong ugali ko kung Christmas o hindi?” aniya.
Pagpapatuloy pa ni VP Sara, pinili raw niyang hindi batiin si PBBM mula pa noong bisperas ng Pasko.
“So kung ayaw ko siyang batiin kahapon na hindi Christmas, ayaw ko siyang batiin ngayong Pasko,” saad niya.
“Ganoon kasi ako na tao. Ayaw kong batiin ang mga ayaw kong batiin,” pagdidiin pa niya.
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang Pangulo kaugnay sa nasabi ni VP Sara.
MAKI-BALITA: VP Sara ngayong Pasko: Ipagdasal biyaya ng kapayapaan, katatagan ng bansa
MAKI-BALITA: 'Iwasan mga paputok, doon tayo sa mga torotot!'—PBBM
Mc Vincent Mirabuna/Balita