Hindi na umabot ng Pasko ang isang 25-anyos na construction worker matapos itong matagpuang patay na may mga saksak sa leeg at katawan sa Barangay Bigaa, Malinao, Aklan.
Ayon sa ulat sa mga ulat, nakita ng mga residente ang biktima kaninang madaling araw na nakalublob sa baha.
Isinugod pa siya sa ospital ngunit idineklara ng mga doktor na dead on arrival.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na raw sana ang biktima mula sa isang Christmas party nang mangyari ang krimen.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng salarin.
Sa ngayon, may tatlong persons of interest na ang hawak ng pulisya kaugnay ng insidente.