Nagbigay ng payo si showbiz insider Ogie Diaz para sa singer-songwriter na si Zack Tabudlo na inintriga ang amoy sa ginanap na UST Paskuhan 2025 kamakailan.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Disyembre 25, sinabi ni Ogie na mas mabuti raw na tanggapin na lang ni Zack ang mga komento nito laban sa kaniya.
Aniya, “Kung totoo man ito na may amoy si Zack—kahit hindi pa naman natin nakakasalimuha si Zack—siguro mas maganda na….next time ‘pag magpe-perform siya ‘pag alam n’yang papawisan siya, outdoor siyang kukunan e magpabango siya, mag-freshen up siya.”
“Lalo na kung galing siya sa pawis. Kasi talagang mangangamoy ‘yon. Saka ‘yong mga tao siyempre, extra sensitive tayo sa mga ganyan,” dugtong pa ni Ogie.
Matatandaang sumagot na si Zack sa intrigang ito tungkol sa umano’y amoy niya sa pamamagitan ng isang 4-minute video.
"We're all human at the end of the day. Lahat tayo tumatae, lahat tayo pinagpapawisan, lahat tayo nagkakamali sa buhay. Being nice isn't hardest to do. Be nice, guys,” anang singer-songwriter.
Maki-Balita: ‘Lahat tayo pinagpapawisan!’ Zack Tabudlo, sumagot na sa intriga tungkol sa ‘amoy’ niya