December 30, 2025

Home BALITA National

Kahit tinadtad ng resignation: ICI, kasadong isapinal resulta ng flood control probe sa Ombudsman

Kahit tinadtad ng resignation: ICI, kasadong isapinal resulta ng flood control probe sa Ombudsman

Inihayag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Biyernes, Disyembre 26, 2025, na inihahanda na nila ang pagsasapinal ng resulta ng kanilang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects para ipasa sa Ombudsman.

Sa isang pahayag, sinabi ni ICI chairperson Andres Reyes Jr. na ang komisyon ay binuo na may “malinaw at takdang-panahong mandato” na mangalap ng ebidensiya, magtatag ng mga katotohanan, at magmungkahi ng mga hakbang na magwawasto sa mga natuklasan.

“To ensure the fulfillment of its mandate, the Commission will now focus on finalizing the remaining items that will be submitted to the Office of the Ombudsman in order to strengthen and add to the growing number of cases that will eventually be filed with the courts, and hold those involved accountable,” ani Reyes.

Dagdag pa niya, “The Commission remains fully committed to submitting all its final recommendations and ensuring that the appropriate institutions — particularly the Ombudsman — have everything they need to bring these cases forward.”

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Inilabas ni Reyes ang pahayag kasunod ng pagbibitiw ni Commissioner Rossana Fajardo, na ayon sa kanya ay nangyari sa “natural point in the Commission’s work.” Matatandaang naunang nagbitiw si Commissioner Rogelio “Babes” Singson mula sa ICI.

MAKI-BALITA: Rossana Fajardo, nagbitiw bilang Commissioner sa ICI

MAKI-BALITA: ‘My body cannot take it anymore!’ ICI ex-Comm. Singson, stress sa trabaho kaya nagbitiw sa puwesto

Samantala, ayon pa kay Reyes, mula nang itatag ang komisyon ay nakapagsumite na ito ng walong referral at kaso sa Office of the Ombudsman, hindi pa kabilang ang mga joint referral kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Saklaw ng mga kasong ito ang halos 100 indibidwal, kabilang ang mga senador, kongresista, dating at kasalukuyang matataas at mid-level na opisyal ng DPWH, mga kontratista, at isang kasalukuyang komisyoner ng Commission on Audit (COA).

Nakapagsampa na rin ang Ombudsman ng tatlong kaso sa korte, na nagresulta sa pag-aresto sa 16 na indibidwal para sa mga kasong non-bailable, kabilang ang kontratistang si Sarah Discaya.

Sa tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at iba pang ahensiya, mahigit ₱20.3 bilyong halaga ng mga ari-arian ang na-freeze, kabilang ang libo-libong bank account, insurance policy, sasakyan, real property, e-wallet, securities account, at mga air asset gaya ng eroplano at helicopter.