December 30, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'I'm seeing someone!' Sassa Gurl, napagastos ngayong Pasko

'I'm seeing someone!' Sassa Gurl, napagastos ngayong Pasko
Photo Courtesy: Sassa Gurl (IG)

Tila hindi malamig ang katatapos lang na Pasko ng social media personality na si Sassa Gurl.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyermes, Disyembre 26, inamin ni Sassa na may nakaka-date na siya.

“Mayro’n bang nagpapatibok sa ‘yong puso?” usisa ni Boy.

Sagot ni Sassa, “Actually, Tito Boy, I’m seeing someone. Napagastos ako ngayong Christmas, chareng.”

Relasyon at Hiwalayan

Kuda ng netizens sa mag-ex: Kung si Carla 'married' na, si Tom 'unmarry'

“Pero this time around, mas matalino na ako sa pagmamahal,” pagpapatuloy niya. “Non-showbiz siya. Kasi kumakalat ‘yong ganyan. O, ‘di ba nandito tuloy tinatanong.”

Dagdag pa ng social media personality, “Naniniwala ako na kailangan kong very non-showbiz at tahimik. So I want a tahimik na buhay.”

Sa kasalukuyan, nagde-date pa lang naman daw sila ng boylet kaya hindi raw niya maibida sa publiko.

Biro pa nga niya, “Malay mo bigla akong i-ghost ‘di ba?’