Napatanong na lamang ang singer-songwriter na si Daryl Ong hinggil sa bilang ng mga nakulong na kurakot na sangkot sa malawakang katiwalian sa bansa.
Kaugnay ito sa binitawang pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung saan sinabi niyang hindi magiging “merry” ang Pasko ng mga kurakot, sapagkat sila ay maipakukulong na bago pa man sumapit ang Kapaskuhan.
“Alam ko, bago mag-Pasko, marami dito sa napangalanan dito ay palagay ko, matatapos na 'yong kaso nila, buo na 'yong kaso nila, makukulong na sila. Wala silang Merry Christmas, before Christmas makukulong na sila,” saad ni PBBM sa kaniyang presidential report kamakailan.
MAKI-BALITA: 'Wala silang Merry Christmas!' Mga sangkot sa flood control scam, tapos na maliligayang araw—PBBM-Balita
“[I]lan na po nakulong? Merry Christmas Pinas!” saad ni Daryl sa kaniyang social media post noong Huwebes, Disyembre 25.
Photo courtesy: Daryl Ong/FB
Hindi naman napigilan ng netizens na magkomento hinggil sa naging tanong ng singer-songwriter.
“1 po nasa overseas”
“Wala paman brader hahaha”
“ang mastermind malaya pa hahahha”
“Ang inaantay ng marami yong pinaka-UGAT”
“Budol again”
“Isa? nasa panaginip pa yung iba”
“kinulong lng po sa bahay haha”
Ayon naman sa pahayag ng Palasyo nitong Biyernes, Disyembre 26, asahan daw sa pagpasok ng Bagong Taon na mas marami pang personalidad na may kinalaman sa katiwalian ang aarestuhin.
“The flood control investigation does not end on Dec. 25. It’s only been a little over four months. The Napoles probe took almost a year before people were sent to jail. There will surely be more thrown behind bars in the New Year,” saad ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez.
MAKI-BALITA: Palasyo, iginiit na mas marami pang maaaresto sa Bagong Taon-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA