January 04, 2026

Home FEATURES Trending

Boylet, sinorpresa ng 'resibo' nililigawang gerlalu na may ka-live in pala!

Boylet, sinorpresa ng 'resibo' nililigawang gerlalu na may ka-live in pala!
Photo Courtesy: Vinz Jimenez (FB)

Na-caught off guard ang isang babae ng lalaking nanliligaw sa kaniya matapos siya nitong sorpresahin ng mga resibong nagpapatunay sa mga panloloko niya.

Sa isang Facebook post ni Vinz Jimenez kamakailan, isinalaysay niya kung paano niya natuklasan ang mga itinatagong lihim sa kaniya ng nagngangalang Lean de Guzman, ang babaeng nililigawan niya. 

Ayon kay Vinz, may isa umano sa mga kaibigan ni Lean na kumanta kaya naisiwalat ang pagkatao nito. 

Pinadalhan siya ng kaibigan ni Lean ng mga screenshot ng convo nila kung saan mababasang tila ginagamit lang siya nito para magkaroon umano ng service at makakain. 

Trending

'Mas marami pa akong maletang ipapadala!' Geodetic engineer couple, sinorpresa ni 'Zaldy Co' sa kasal

Isiniwalat din sa mga screenshot na mayroon pa lang ka-live in si Lean. 

 "[N]ag-away sila no'ng friend niyang babae. Misunderstanding lang daw sabi ng friends niya. This was the reason and the same girl na nag-reveal lahat dahil uinaaway at sinisiraan niya friends niya sa akin, 2 of her besties," lahad ni Vinz.

Kaya simula noon, pinlano niyang komprontahin si Lean. Niyaya niyang magkita silang dalawa dala ang screenshots bilang mga ebidensya na ibinalot pa talaga niya bilang regalo para magmukhang sorpresa.

Aniya, nagdalawang-isip pa raw talaga siya kung isisiwalat pa niya ang lahat ng ito. Sa katunayan, sumangguni pa siya sa mga kaibigan at malalapit na tao sa buhay niya bago niya gawin ang pasabog na ito.

Maging si Lean ay pinapili rin niya ng kondisyon. Kung hindi umano sasabihin nito ang totoo sa live-in partner, mapipilitan siyang i-post ang resibo ng mga panggogoyo nito.

"Nag-console muna ako sa 30 friends ko if dapat pa bang i-post kasi naaawa din ako," sabi ni Vinz.

At batay umano sa sagot ng mga sinangguni niya, dapat matuto ng leksyon si Lean sa ginawa nito.

Samantala, tila nakausap naman na raw ni Vinz ang live-in partner ni Lean batay sa screenshot ng audio call na nakapaskil sa comment section ng naturang post.

As of writing, burado na ang naturang post ni Vinz.