January 04, 2026

Home BALITA National

Bilang ng road crash sa buong bansa, pumalo sa higit 200 ngayong holiday season

Bilang ng road crash sa buong bansa, pumalo sa higit 200 ngayong holiday season
Photo courtesy: Freepik

Pumalo sa higit 200 ang bilang ng road crash sa bansa simula Disyembre 21 hanggang 5:00 AM ng Disyembre 26, ayon sa tala ng Department of Health (DOH). 

Sa kabuuang bilang na 263, nasa 224 ang naitalang hindi gumamit ng safety accessories tulad ng helmet at seatbelt; 31 ang may impluwensiya ng alak; at dalawa sa mga naitalang nasawi ay mula sa motorsiklo. 

Ayon pa sa DOH, 193 sa kabuuang bilang ang naitalang dahil sa motorcycle road crash.

Pitong porsyento itong mas mababa kumpara noong 2024. 

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Gayunpaman, ibinaba ng ahensya ang mga sumusunod na paalala para sa mga driver at pasahero nito sa daan: 

1. Ugaliing magsuot ng Department of Trade and Industry (DTI)-approved helmet para sa mga nagmo-motorsiklo, at seatbelt naman para sa mga nagmamaneho at pasahero ng four-wheeled cars. 

2. Huwag magmaneho kapag pagod o lasing. 

3. Sundin ang nakatakdang speed limit at road signs. 

4. Siguraduhing mayroong pito hanggang walong oras na tulog bago bumiyahe. 

5. Iwasan ang paggamit ng mobile phone habang nagmamaneho. 

Sean Antonio/BALITA