January 08, 2026

Home BALITA

‘Babasahin ba o tititigan ka?’ Pamaskong mensahe ng KWF chair, inulan ng batikos

‘Babasahin ba o tititigan ka?’ Pamaskong mensahe ng KWF chair, inulan ng batikos
Photo Courtesy: KWF (FB)

Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang Christmas message sa publiko ni Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) chair Atty. Marites Barrios-Taran.

Sa latest Facebook post ng KWF nitong Biyernes, Disyembre 26, makikita ang pubmat kung saan nakabalandra ang malaking mukha ni Taran kalakip ang mensahe niya.

“Ngayong Pasko, nawa’y magsilbing inspirasyon ang ating pagmamahal sa wika upang patúloy táyong maglingkod nang may katapatan at husay,” saad ni Taran.

Dagdag pa niya, “Nawa’y ang bawat salitáng ating bibigkasin at isusulat ay magdala ng pag-asa, kapayapaan, at tunay na malasakit sa ating kapuwa.”

Politics

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyin mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Anlaki naman ng picture. Aw ah."

"Wala bang anti-epal law? Ay wala pa pala. Maligayang pasko."

"babasahin ba o tititigan ka ho?"

"Maligayang Pasko po KWF"

"Madam, wala pong may Canva?"

"Nahiya na sa'yo ma'am ang text HAHAHA"

"Ang peg ay: Taraaaaaaaaaaan."

"Mas iigting po ang mensahe ninyo kung ang font sa pamagat ay si Kween Yasmin. Mungkahi lang po."

Matatandaang si Taran ang itinatalagang tagapangulo ng KWF matapos magbitiw ni Dr. Arthur Casanova sa nasabing posisyon sang-ayon sa utos ng Malacañang.

Maki-Balita: Casanova, nagsalita na matapos palitan bilang KWF chair