Umani ng samu’t saring reaksiyon sa social media ang pagkakatalaga kay dating Philippine National Police (PNP) chief Police General Nicolas Torre III bilang general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kung saan maraming netizen ang nagbiro at nagkomento tungkol sa kanyang bagong posisyon.
Sa mga kumalat na post at komento online, ilang netizen ang nagsabing “at least general pa rin” si Torre kahit hindi na siya bahagi ng PNP, habang ang iba naman ay ginamit ang kanyang ranggo at bagong tungkulin bilang paksa ng biro at meme. Mayroon ding mga netizen na nagtanong kung paano makaaapekto ang kanyang police background sa pamamahala ng MMDA.
Ilan sa mga kumalat na komento ng netizens ay ang mga sumusunod:
“At least general pa rin! From PNP to MMDA real quick.”
“General ng traffic na ngayon, salute pa rin!”
“Iba talaga kapag general, kahit saan ilagay may ranggo.”
“Trapik lang pala ang kalaban ngayon, hindi na kriminal.”
“From warrant of arrest to traffic management, multitasking si sir.”
“At least hindi na kailangan ng checkpoint, traffic enforcer na.”
“General Torre reporting for traffic duty.”
“MMDA na pala ang bagong battlefield.”
“Sayang naman mga bitbit na bituin, pero general pa rin daw.”
“General manager nga naman, swak sa ranggo.”
Sa kabila ng mga biro, may ilan ding netizen ang nagpahayag ng suporta kay Torre at nagsabing maaaring makatulong ang kanyang karanasan sa pagpapatupad ng disiplina at kaayusan sa Metro Manila.
Matatandaang kinumpirma ng National Police Commission (NAPOLCOM) na itinuturing nang resigned sa PNP si Torre matapos niyang tanggapin ang posisyon sa MMDA. Dahil dito, nagbigay-daan din ito upang ma-appoint si Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. bilang PNP chief na may ranggong four-star general.
Maki-Balita: Matapos makapanumpa sa puwesto: PGenTorre, 'considered resigned' sa PNP—NAPOLCOM