Opisyal na umanong miyembro si “Unmarry” star Angelica Panganiban sa group chat na kinabibilangan ng mga dating nakarelasyon ng aktor na si Derek Ramsay.
Sa question and answer session kasi ng Instagram story ni Ellen Adarna kamakailan, inusisa siya ng isang netizen kung may tiyansa raw bang maging magkaibigan sila ni Angelica.
“Actually, super chika na kami, dai. Kasama na siya sa [group chat]," sagot ni Ellen.
Dagdag pa niya, “Manonood nga ako ng (I will actually watch) ‘UnMarry.‘ So relatable.”
Matatandaang minsan na ring naghayag si Angelica na bukas umano siyang maging kaibigan si Ellen.
“Marami kaming pag-uusapan,” sabi ni Angelica. “Huwag lang niya i-screenshot. Huwag lang niya i-record. Hindi pa nga ako nai-invite sa group chat, e!”
Ito ay matapos maging usap-usapan ang pinagdaraanang krisis sa relasyon nina Derek at Ellen matapos isiwalat ng huli ang mga resibo ng umano’y panloloko ng kaniyang mister.
Matatandaang Agosto pa lang umuugong na ang tsikang hiwalay na ang dalawa. Tinangka pa ngang pabaulaanan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang tungkol sa programang “Cristy Ferminute.”
Maki-Balita: 'I didn't cheat, never' sey ni Derek; react ni Ellen, 'Push mo 'yan, ako pa ginawang liar!'
“Mema lang ‘yan,” sabi ni Cristy. “Alam n’yo po, napakagandang mag-handle ng relasyon ni Derek Ramsay. At si Ellen Adarna, kitang-kita naman natin na talagang sumusunod naman siya.”
Maki-Balita: Derek, Ellen iniintrigang hiwalay na!