Sa kasagsagan ng holiday season, kalimitang mabilis ang ikot ng pera dahil sa mga shopping spree at mga aguinaldong ipinamimigay at natatanggap ng marami.
Kaya bukod sa parties at holiday rush, isa pa sa sa mga nagiging isipin ng maraming Pinoy ay kung tatanggapin pa ba sa mga tindahan, bangko, at mga sakayan kung nagkaroon ng tupi ang perang papel at polymer.
Dahil dito, ano bang sinasabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga natuping perang papel at polymer?
Ayon sa BSP, tinatanggap pa rin ang perang papel at polymer banknotes na may tupi sa lahat ng payment transactions.
Inaabiso rin nila na dapat pa rin itong tanggapin ng mga indibidwal at establisyimento, at kung sino man ang tumanggi ay maaaring i-report sa susunod na channels:
Para sa mga banko at iba pang BSP-supervised financial institution:
Bangko Sentral ng Pilipinas
[email protected]
Para sa mga negosyo:
Department of Trade and Industry
1-DTI (384) or [email protected]
Para sa mga operator at driver ng mga pampublinong transportasyon:
Land Transportation Franchising and Regulatory Board
1342 or (+632) 8529-7111
[email protected]
Kung sakaling magkaroon ng mga tupi, ipinaaalala ng BSP na hindi ito dapat plantsahin o i-expose sa sobrang init o lamig na temperatura.
Gayunpaman, hindi inaabiso ng BSP ang pagsusulat o pagmamarka sa mga pera gamit ang kahit anong mga panulat, lubos na paglukot, paggupit at pagbubutas, pag-stapler, pagsunog, at pag-expose sa mga kemikal.
Ayon sa Presidential Decree No. 247 o ang Anti-Mutilation Law, ang indibidwal na kusang maninira o magsusunog ng pera na inilabas ng Central Bank of the Philippines, ay maaaring mapatawan ng multang aabot sa ₱ 20,000 o kaya’y pagkakakulong ng hanggang limang taon.
Sean Antonio/BALITA