Binalikan ni GMA TV host Kuya Kim ang larawan nilang kasama ang kaniyang pumanaw na anak na si Sparkle artist at social media personality Emman Atienza sa pagdiriwang ng Pasko.
Ayon sa ibinahaging larawan ni Kuya Kim sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Disyembre 24, sinabi niyang ‘yon ang huling Pasko na kasama nila si Emman.
“This was the last photo of all of us together last Christmas eve. How we miss you dearest Emmansky,” mababasa sa simula ng caption ni Kuya Kim.
Photo courtesy: Kuya Kim Atienza (FB)
Nagpasalamat din si Kuya Kim sa kay Hesus at mga kaibigan niyang nakasama nila sa malungkot sa sitwasyong kanilang pinagdaanan.
“Thank you Jesus for being born to us amidst suffering and the grief. We always trust your plan.
Thank you to all our friends for being with us at our darkest moment,” saad niya.
“‘Behold, the virgin shall conceive and bear a son, and they shall call his name Immanuel’-- Matthew 1:23,” pagtatapos pa ni Kuya Kim.
Matatandaang nagdalamhati noon Kuya Kim at kaniyang pamilya matapos ang pagpanaw ng kaniyang 19 na taong gulang na anak na si Emman Atienza.
KAUGNAY NA BALITA: Kuya Kim, kinumpirma pagpanaw ng anak niyang si Emman Atienza
Sa Instagram post ni Kuya Kim noong Oktubre 24, 2025, inanusyo niya ang pagpanaw ng kaniyang anak.
Inalala rin ni Kuya Kim ang mga iniwang ala-ala raw ni Emman na nagbigay-saya sa kanilang buhay.
Dagdag pa niya, "Emman had a way of making people feel seen and heard, and she wasn’t afraid to share her own journey with mental health. Her authenticity helped so many feel less alone."
MAKI-BALITA: Kuya Kim mas kayang tiisin cancer kaysa mawalan ng anak: 'Pero mamatayan ka ng anak, masakit!'
MAKI-BALITA: 'Heaven has gained a beautiful angel!' Kuya Kim at Felicia Atienza, nag-post ng makabagbag na tribute para kay Emman
Mc Vincent Mirabuna/Balita