January 27, 2026

Home BALITA

'Paldo sa Pasko!' Tarlac bettor, wagi ng ₱13.8M sa Mega Lotto!

'Paldo sa Pasko!' Tarlac bettor, wagi ng ₱13.8M sa Mega Lotto!
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Pumaldo ngayong Pasko ang isang lotto bettor mula sa Tarlac matapos na solong ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng bisperas ng Pasko, Disyembre 24, 2025.

Sa abiso nitong Huwebes, sinabi ng PCSO na matagumpay na nahulaan ng lucky winner, na bumili ng lotto ticket sa Quezon Ave., Camiling, Tarlac, ang winning combination ng Mega Lotto 6/45 na 27-24-12-18-42-03.

Dagdag pa ng PCSO, mayroong isang taon ang lotto winner, mula sa petsa ng pagbola dito, upang kubrahin ang napanalunang ₱13,829,620.60 premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City.

Kinakailangan lamang anila nitong iprisinta ang kanyang dalawang balidong IDs sa pag-claim ng kanyang premyo, gayundin ang kanyang lucky ticket.

‘Kaway-kaway mga trentahin at kwarentahin!’ Sikat na Pinoy chocolate, magbabalik na!

Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas sa P10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa TRAIN Law.

Samantala, nanawagan naman si PCSO General Manager Mel Robles sa publiko na patuloy na suportahan ang kanilang mga gaming products upang mas marami pa silang mga kababayan nating matulungan.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.