Masayang nagpaabot ng pagbati si Miss Universe 2025 Fatima Bosch para sa selebrasyon ng bawat isa ng Pasko.
Ayon sa inilabas na video ng Miss Universe sa kanilang “X” account nitong Huwebes, Disyembre 25, mapapanood ang 24 segundo na video greeting ni Bosch.
“This Christmas season, we would like to take a moment to express our sincere gratitude,” pagsisimula niya.
Photo courtesy: Miss Universe (X)
Hiniling din ni Bosch na matagpuan sana ng bawat isa ang pag-ibig, kapayapaan, at pag-asa ngayong Pasko.
“For each story shared, every dream that inspires us, and every heart that walks with us,” saad niya.
“May this holiday season find you surrounded by love, calm and hope,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang sa ginanap na 74th Miss Universe noong Nobyembre 21, 2025, kinoronahang Miss Universe 2025 ay si Fatima Bosch ng Mexico.
MAKI-BALITA: 'Di nasungkit ang korona!' Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Universe 2025
Bukod kay Bosch, itinanghal naman ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo bilang 3rd runner-up, 4th runner-up ay ang Côte d'Ivoire, 2nd runner-up naman ang Venezuela, at 1st runner-up ang Thailand.
MAKI-BALITA: Pagkawagi ni Miss Universe 2025 Fatima Bosch, ‘itinadhana ng Diyos’
Mc Vincent Mirabuna/Balita