Inanunsyo ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio ang kaniyang pagbubuntis sa panganay nila ng kaniyang mister na si Ronnie Alonte nitong Araw ng Pasko, Disyembre 25.
Mababasa sa social media post ni Loisa ang pagpapasalamat nila sa Diyos sa pagkakaloob sa kanila ng anak.
"Baby Jesus, maraming maraming salamat sa pinakamalaking blessing na ipinagkaloob mo sa amin ni R2. You trusted us with a miracle we've been quietly holding close to our hearts," saad ni Loisa. "Ngayon lang kami nakaramdam ng ganitong klaseng pagmamahal, isang pagmamahal na napakalalim para sa isang taong hindi pa namin nakikilala."
"To our little miracle, sobrang excited na kami na makilala ka. Ikaw ang aming panalangin na sinagot at ang regalong magbabago sa aming buhay ngayong Pasko," mensahe pa ng aktres.
Ayon sa komento ng netizens sa Facebook post ni Loisa, tila totoo raw ang inispluk ni Showbiz insider Ogie Diaz tungkol sa pagbubuntis ng aktres.
Matatandaang noong Nobyembre 7 lang nang mapag-usapan sa YouTube channel ni Ogie ang tungkol kina Loisa at Ronnie.
“May tinutukoy na aktres na di umano ay buntis daw sa kaniyang jowang aktor na guwapo, sinasabi pang ‘di ba magka-live in sila?" pagsisimula ni Ogie.
Ani Ogie, wala raw dumarating na balita tungkol sa ganoong issue sa kaniya, partikular sa inispluk niyang si Loisa.
“Sabi ko naman, Diyos ko, parang wala naman lumalabas na ganoong issue na buntis daw[...] ang tinutukoy ko nga ay si Loisa Andalio,” paglilinaw niya.
"Anyway, sagutin na rin ni Loisa kung gaano ito katotoo na siya ay preggy ngayon,” dagdag pa ni Ogie.
Maki-Balita: Loisa Andalio, preggy kay Ronnie Alonte?
Walang naging pahayag celebrity couple matapos no'n, ngunit noong Nobyembre 21, isinapubliko ni Loisa ang kaniyang suot na singsing na mistulang engagement ring.
Maki-Balita: ‘Parinig no more?’ Suot na singsing ni Loisa Andalio, agaw-pansin!
Makalipas ang ilang araw, Nobyembre 26, ibinahagi ni Ronnie ang ilang mga larawan ng kanilang kasal sa mismong Instagram account niya, na may simpleng caption na "Zup! Mrs.Alonte."
Ito ay ikinagulat ng mga netizen. At dito rin muling umusbong ang umano'y chismis tungkol sa pagbubuntis ni Loisa.
Maki-Balita: Nanggulat! Ronnie Alonte, Loisa Andalio kinasal na