January 24, 2026

Home BALITA

7 sa bawat 10 Pinoy, umaasang maging maligaya ang Kapaskuhan—SWS

7 sa bawat 10 Pinoy, umaasang maging maligaya ang Kapaskuhan—SWS
Photo courtesy: via MB

Tinatayang 68% ng mga Pilipino ang umaasang magiging “masaya” ang kanilang Pasko ngayong 2025 ayon sa inilabas na pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS).

Ayon sa SWS, bahagyang mas mataas bilang ng mga Pinoy ngayong 2025 na nagsabing magiging masaya ang kanilang Pasko, kumpara sa 65% na naitala noong 2024.

“The 68% expecting a happy Christmas is 3 points higher than 65% in 2024, but 5 points lower than 73% in both 2023 and 2022. It is 18 points above the record-low 50% in 2020 but 11 points below the pre-pandemic level of 79% in 2019,” anang SWS.

Sa parehong survey, bumaba rin sa 7% ang mga Pilipinong umaasang magiging “malungkot” ang kanilang Pasko, mula sa 10% sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. 

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Ipinakita rin ng resulta na 25% ng mga Pilipino ang nagsabing hindi nila inaasahang magiging masaya o malungkot ang kanilang Pasko.

Ayon pa sa SWS, “On the other hand, 7% expect a sad Christmas, down from 10 % in 2024 and similar to the 6-8% range from 2021 to 2023. It is 8 points below the record-high 15% in 2020.”

Dagdag ng poll firm, “The expectation of a sad Christmas was customarily at single-digit levels, ranging from 2% to 9%. It reached double-digit levels only in 2004, 2009, 2011, 2020, and 2024, ranging from 10% to 15%.”

Bukod sa kanilang inaasahan ngayong kapaskuhan, tinanong din ang mga Pilipino kung ano ang pinakapinagpapasalamat nila sa buhay.

 Batay sa survey, nananatiling mabuting kalusugan ang pangunahing dahilan ng pasasalamat ng mga Pilipino ngayong Pasko at pagtatapos ng taon.

Ayon sa SWS, “From 2023 to 2025, in all areas, Good health remained the top reason to be thankful for in life as Christmas and the end of the year approach. As of November 2025, it was highest in the Visayas at 55%, followed by Metro Manila, Mindanao, and Balance Luzon, at 42% each.”

Dagdag pa nito, “Compared to 2024, responses related to Good health stayed at 42% in Balance Luzon, while it hardly changed from 57% in the Visayas. However, it fell from 51% in Metro Manila and 48% in Mindanao.”

Kabilang din sa iba pang madalas na binanggit na dahilan ng pasasalamat ang pamilya, pagiging buhay, at pasasalamat sa Diyos.

Isinagawa ang survey mula Nobyembre 24 hanggang 30, 2025, sa 1,200 katao na may edad 18 pataas, at inilabas sa publiko nitong Miyerkules ng umaga, bisperas ng Pasko.