December 30, 2025

Home BALITA

VP Sara ngayong Pasko: Ipagdasal biyaya ng kapayapaan, katatagan ng bansa

VP Sara ngayong Pasko: Ipagdasal biyaya ng kapayapaan, katatagan ng bansa
Photo Courtesy: Sara Duterte (FB)

Nagpaabot ng mensahe si Vice President Sara Duterte sa mga Pilipino bilang pagbati ngayong Pasko.

Sa latest Facebook post ni VP Sara nitong Miyerkules, Disyembre 24, sinabi niyang mas magiging makabuluhan umano ang pagdiriwang ng Pasko kung ibabahagi ang biyaya ng Diyos sa kapuwa.

“Mga kababayan,” sabi ni VP Sarap, “magiging mas makabuluhan ang Pasko kung ibabahagi natin ang mga biyaya ng Diyos sa ating kapwa lalo na sa mga nahihirapan sa buhay, mga may karamdaman, mga ulila at walang tahanan, mga biktima ng sakuna at karahasan, at mga sektor na dumaranas ng kapabayaan.”

Dagdag pa niya, “Hangad ko ang inyong kaligayahan kasama ang inyong mga kapamilya at mahal sa buhay.”

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Umapela rin siya sa mga Pilipin na ipagdasal lagi ang kapayapaan at katatagan ng Pilipinas.

“Lagi din nating ipagdasal ang biyaya ng kapayapaan at katatagan ng ating minamahal na bansa. 

Tandaan po natin na ang pusong nagpapasalamat ay mapagbigay, mapagmahal, mapagpatawad,” anang Bise Presidente.

Samantala, paalala naman ang hatid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga Pilipino sa papalapit na pagpasok ng Bagong Taon.

Maki-Balita: 'Iwasan mga paputok, doon tayo sa mga torotot!'—PBBM