January 04, 2026

Home BALITA National

Rep. Romualdez may pa-mensahe sa Pasko pero pansin ng netizens, 'Namayat ka na!'

Rep. Romualdez may pa-mensahe sa Pasko pero pansin ng netizens, 'Namayat ka na!'
Photo courtesy: Screenshot from Radyo Pilipinas/FB

Nagpaabot ng mensahe para sa mga Pilipino si Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Sa isang video message na naka-upload sa "Radyo Pilipinas," umapela si Romualdez sa mga Pilipino na humugot ng lakas mula sa kanilang pananampalataya at paniniwala ngayong panahon ng Pasko, sa kabila ng mga hamong kinahaharap ng bansa.

Nagpaalala rin siya na sa lahat na nananatiling makapangyarihang paalala ang Pasko ng pag-asa at pagmamahal, lalo na sa gitna ng mga pagsubok na dinaranas ng mga pamilya at komunidad.

"Mga kababayan, this Christmas season, we celebrate the deep faith that unites us, Filipinos: pag-asa, puso, tapang, at pagmamahal sa bawat isa," aniya.

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

"May the birth of Christ renew our hearts, strengthen our families, and remind us that even in the difficult times, life always finds its ways through," dagdag pa niya.

Sa comment section naman ng post, napansin ng mga netizen ang tila pagkakabawas ng timbang ni Romualdez, na isa sa mga nadidiin sa isyu ng maanomalyang flood control projects, gayundin sa pasabog ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, na umano'y insertions sa 2025 national budget.

"Pumayat na si rumualdez sa stress"

"Tambaloslos! Parang humabol din ang mukha mo ky zaldy co numipis na rin.. sana tuluyan kayong d makatulog araw at gabi."

"nangayayat na. tsk tsk tsk. a good sign"

"Mukhang nagpapa ramdam na ung karma nangayayat na"

"Pumapayat na ahhh hahahaha"

"Pumayat na hayop hahaha."

Samantala, hindi ito ang unang beses na napansing tila pumayat na si Rep. Romualdez.

Una na itong napansin ng mga netizen kamakailan nang humarap siya sa isang pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Kaugnay na Balita: Romualdez, itinanggi ang koneksyon sa ‘basura scheme’—ICI