Usap-usapan sa social media ang isang video ng road rage na kinasangkutan ng ilang mga de-kotseng motorista, sa hindi tinukoy na kalsada.
Sa Facebook post ng netizen na nagngangalang "Miguel," makikitang nagsimula ang away sa dalawang lalaking parehong naipit sa malalang trapiko, hanggang sa lumabas na rin ang iba pang mga tao, lalaki at babae, at nagpambuno na rin.
Mababasa sa caption ng post, "I witnessed a road rage moment and honestly, gets ko talaga eh. Anlala ng traffic. Everyone’s tired. Everyone wants to get home. Everyone feels like they’ve been waiting for hours."
"But this season is already heavy for a lot of people. Someone might be rushing to see family they barely get to spend time with. Someone might be late for work, stressed about money. Someone might be carrying grief, pressure, or just a really long day.
The road doesn’t know our stories, but the people on it are human too."
"This Christmas season, habaan natin ang pasensya natin. Let’s pause before we honk, breathe before we shout, and choose calm over pride. No destination is worth ruining someone’s day or your own peace."
"Makakauwi rin tayo," aniya pa.
Hindi naman tinukoy ang eksaktong lugar at petsa kung kailan naganap ang nabanggit na road rage.
Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 80k reactions, 59k shares, at 11.9k comments ang nabanggit na viral Facebook post.
Sa latest vlog ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. nitong Martes, Disyembre 23, pinaalalahanan niya ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho.
"Ingat lang po sa pagmamaneho, kung saan po kayo pupunta," aniya.
Noong Abril, nauna na siyang nagpaalala sa mga motorista na iwasan ang road rage.
"Ang tatapang na natin lahat! Siga lahat! Ano na ba ang kulturang ito na pagiging siga sa daan. Saan ba natin nakuha ito? Ano na bang nangyayari sa atin at parang natural na lang ang mga ganitong komprontasyon at karahasan. Tayong lahat ay kailangang sumunod sa batas-trapiko. Kailangan ang disiplina para maging responsableng mga Pilipino sa lansangan. Wag maging kamote!" aniya.
Kaugnay na Balita: Init ng ulo, wag patulan: 'Bagong Pilipino' disiplinado sa lansangan—PBBM
Kaugnay na Balita: PBBM nag-react sa road rage; payo sa mga motorista, 'Wag maging kamote!'