January 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nag-sorry kay Kuya Kim: Camille Prats, nagsalita na sa 'Paboritong Mars' trend

Nag-sorry kay Kuya Kim: Camille Prats, nagsalita na sa 'Paboritong Mars' trend
Photo courtesy: Screenshot from TiktoClock (YT)/via MB

Sa wakas, nagsalita na at nagpaliwanag na ng kaniyang panig ang Kapuso actress-TV host na si Camille Prats kaugnay ng nag-trending na episode ng "TiktoClock" noong Nobyembre.

Hindi kasi nagustuhan ng maraming netizens ang paraan ng pakikiramay ng TiktoClock hosts sa kapuwa host nilang si GMA Network trivia master-TV host Kuya Kim Atienza, sa pagkamatay ng anak niyang si Emman Atienza.

Matapos kasi nilang magpaabot ng mensahe at pakikiramay, masigla nilang ipinakilala ang pansamantalang rerelyebo kay Kuya Kim sa naiwan nitong trabaho.

"Mga Tiktropa, mag-ingay para sa ating paboritong mars, Camille Prats!" anila.

Tsika at Intriga

Flight hindi fight! Jellie Aw, Jam Ignacio nag-celebrate ng anniversary?

Kaya naman, naging meme tuloy nang hindi oras si Camille, na "kinakaladkad" kapag may mga personalidad na sumasakabilang-buhay, at ginagawang katatawanan.

Kaugnay na Balita: 'Mars' Camille Prats, trending kasunod ng pagpanaw ni Enrile

Ang iba naman, binanatan mismo ang pamunuan ng show, dahil puwede naman daw mag-commercial break muna pagkatapos ng mensahe ng pakikiramay, upang hindi maging awkward ang mga ganap.

Kaugnay na Balita: Hindi sincere? TiktoClock hosts, sinita sa paraan ng pakikiramay kay Kuya Kim

Sa kaniyang pag-guest sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkules, Disyembre 24, inilahad ni Camille ang buong konteksto ng nangyari at nilinaw na wala siyang intensyong makasakit o maging insensitive sa sitwasyon.

Ayon kay Camille, una siyang nagulat sa naging takbo ng programa. “I was surprisedkuwento niya.

Inamin din ng aktres na hindi niya agad nalaman ang pinanggalingan ng emosyon ng programa noong araw na iyon. Hindi raw niya alam kung ano ang pinanggalingan ng programa. Iyon daw pala ang unang live show matapos ang nangyari sa pamilya ni Kuya Kim.

Dagdag pa niya, hindi na niya na-check ang buong script ng episode bago sumalang sa live show.

"I was surprised because coming into the show they asked me to co-host do'n sa TiktoClock. And then when I came, they said, ‘Oh you have a production number ’cause you’re guesting and we want it to be special.’ And I didn’t know kung ano ang pinanggalingan ng programa. That was actually the first live show after what happened to Kuya Kim. I didn’t bother to check the script where the show was coming from. And then that afternoon, nagulat na lang ako na I was all over the social media…" paliwanag ng aktres.

Ayon pa sa aktres, agad siyang humingi ng paumanhin kay Kim Atienza nang magkausap sila. Laking pasasalamat din niya na mahinahon itong tinanggap ng host, na nakasama na niya sa "Mars Pa More" morning talk show kasama si Iya Villania.

"When that happened medyo na-gets ko naman. Na-gets ko naman kung bakit siya nag-trend. And when I got to see Kuya Kim, the first thing that I did was I apologize to him. I’m grateful that he took it lightly because he’s always been like that," saad pa niya.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Kuya Kim hinggil sa mga naging pahayag ni Camille.