January 08, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Miss Cosmo, bumwelta kay Ahtisa matapos tawaging pinakachakang pageant experience

Miss Cosmo, bumwelta kay Ahtisa matapos tawaging pinakachakang pageant experience
Photo Courtesy: Miss Cosmo, Ahtisa Manalo (FB)

Tila sumagot ang Miss Cosmo sa ibinahagi ni Miss Philippines 2025 Ahtisa Manalo tungkol sa umano’y worst experience nito sa pageant.

Sa Instagram stories kamakailan ni Jay Luu, head ng Miss Cosmo marketing at communications, sinabi niyang hindi umano ikinatapang ninoman na gawing biro ang isang aksidente.

Aniya, “Turning an accident into a joke doesn't make you brave. It only proves how small your perspective is. Yes, there was an accident during the stage construction last year. That is a fact." 

"But here is the full fact you conveniently ignore,” pagpapatuloy ni Jay. “Within 48 hours, a second stage was built and a completely new, large-scale stage was delivered for the grand finale.” 

Tsika at Intriga

'Tay Kami naman!' Sen. Robin, push sa signature campaign suporta kay FPRRD

Dagdag pa niya, "If you want to speak the truth, speak all of it, not the part that feeds your mockery, while erasing your own failures from the conversation."

Gayunman, iginiit pa rin ni Jay ang pagkakamali ng kanilang panig sa nangyari. 

"But clinging to the past, replaying it as a joke, only proves one things: you stopped growing the moment it happened,” dugtong pa niya.

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Jay, matatandaang nausisa si Ahtisa sa isang episode ng vlog ni Unkabogable star Vice Ganda kung ano ang worst pageant experience niya.

"Ano 'yong pinakaayaw mo sa experience na 'to? Worst experience?" tanong ni Vice.

"Oh, my God," sagot ni Ahtisa. "Alam mo ba, mayro'n akong pageant na sinalihan. Gumuho 'yong stage namin."

"Ito 'yong sa Cosmo?" natatawang usisa ni Vice.