January 30, 2026

Home BALITA

'Merry Christmas except sa mga kurakot!'—Rep. De Lima

'Merry Christmas except sa mga kurakot!'—Rep. De Lima
Photo courtesy: Leila de Lima/FB


Naglahad ng kaniyang pagbati si Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Atty. Leila de Lima kaugnay sa napipintong selebrasyon ng Kapaskuhan.

Sa ibinahaging social media post ni De Lima noong Martes, Disyembre 23, mapapanood sa video ang pagbati niya kasama ang iba pa ng “Merry Christmas,” liban sa mga umano’y kurakot.

“Merry Christmas except sa mga kurakot!” saad ni De Lima sa kaniyang post.

Photo courtesy: Leila de Lima/FB

Isa si Rep. De Lima sa mga kongresistang bukal, tahasan, at diretso kung pumatutsada hinggil sa umano’y malawakang paglaganap ng korapsyon sa bansa.

Matatandaang pinamamadali niya kamakailan ang pagpasa ng House Bill No. 4453, na layon umanong tumulong upang lumabas ang katotohanan at masiguro ang “accountability” ng mga taong may kinalaman sa mga iregularidad sa flood control projects.

“As the plot thickens, it becomes even more urgent and imperative to pass House Bill No. 4453. To ferret out the truth and ensure accountability–whoever is involved–Congress must act swiftly and decisively,” ani De Lima.

MAKI-BALITA: De Lima, pinabibilisan pagsasabatas ng HB 4453 laban sa umano'y 'biggest corruption scandal in our history'-Balita

“Sa lawak ng sabwatan sa mga maanomalyang flood control projects, dapat tapatan ito ng mas malakas at may ngipin na independent commission para panagutin ang mga buwaya sa gobyerno at pahirap sa mga Pilipino,” saad niya sa hiwalay na pahayag.

MAKI-BALITA: Rep. De Lima, sumisigaw na isabatas ang House Bill No. 4453-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA